paroles de chanson / Joey Ayala at ang Bagong Lumad parole / Manong Pawikan lyrics  | ENin English

Paroles de Manong Pawikan

Interprète Joey Ayala at ang Bagong Lumad

Paroles de la chanson Manong Pawikan par Joey Ayala at ang Bagong Lumad lyrics officiel

Manong Pawikan est une chanson en Tagalog

Manong manong pawikan
Tahanan ay pasan-pasan
Wala ba kayong mapaglagyan
Sa lupang kinagisnan

Sa hampas ng alon
Sa agos ng daang-taon
Patuloy kayong gumagapang
Yapus-yapos ng putikan

Subalit sa laot
Laya niyo'y natitikman
Lumulutang sumisisid
Sa kailalim-laliman

O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan

Manong manong pawikan
Tayo ba'y magkaangkan
Ako ma'y may tahanan
Subalit walang mapaglagyan

Ang lupang namalayan ko'y
Punung-puno ng bakuran
Na lalong pinatibay
Ng titulo't kasulatan

O manong pawikan
Di ko maintindihan
Ang lupang pinanggalingan ko
Ngayo'y ari-arian

O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan

Ah ah ah
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Manong Pawikan

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en bas de la poubelle
2| symbole en bas de la calculatrice
3| symbole en haut de la valise
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid