song lyrics / Joey Ayala at ang Bagong Lumad / Manong Pawikan lyrics  | FRen Français

Manong Pawikan lyrics

Performer Joey Ayala at ang Bagong Lumad

Manong Pawikan song lyrics by Joey Ayala at ang Bagong Lumad official

Manong Pawikan is a song in Tagalog

Manong manong pawikan
Tahanan ay pasan-pasan
Wala ba kayong mapaglagyan
Sa lupang kinagisnan

Sa hampas ng alon
Sa agos ng daang-taon
Patuloy kayong gumagapang
Yapus-yapos ng putikan

Subalit sa laot
Laya niyo'y natitikman
Lumulutang sumisisid
Sa kailalim-laliman

O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan

Manong manong pawikan
Tayo ba'y magkaangkan
Ako ma'y may tahanan
Subalit walang mapaglagyan

Ang lupang namalayan ko'y
Punung-puno ng bakuran
Na lalong pinatibay
Ng titulo't kasulatan

O manong pawikan
Di ko maintindihan
Ang lupang pinanggalingan ko
Ngayo'y ari-arian

O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan

Ah ah ah
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Manong Pawikan lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the cloud
2| symbol at the bottom of the star
3| symbol at the bottom of the helmet
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid