paroles de chanson / Joey Ayala at ang Bagong Lumad parole / Tatang lyrics  | ENin English

Paroles de Tatang

Interprète Joey Ayala at ang Bagong Lumad

Paroles de la chanson Tatang par Joey Ayala at ang Bagong Lumad lyrics officiel

Tatang est une chanson en Tagalog

Si Tatang ay bayani ng nakaraang
Digmaang pandaigdig
Kanang paa'y inalay sa bayan

Sabi nila siya'y ulyanin na
At ‘di na makapagsalita
Sa wari ko siya'y nagpapanggap lamang
Nagmamaang-maangan

Bandilang kupas ay isinabit sa dingding ng silid
Tanda ng sugat na kailanpama'y ‘di magmamanhid

Marahil madalas niyong magunita
Ang buhay niyo noon
Ang hirap at pagtitiis ng gerilya

Umaalingawngaw sa isipan niyo
Ang sigaw ng kapwa sundalo
Ilang buhay ba ang nakitil sa paglalaban
‘Di mabilang
Sa sagupaan kayo'y naghasik ng dugo
Upang ang kapayapaa'y sumibol
At tumubo sa lupa sa puso

Tatang Tatang alam kong alam niyo
Bihag pa rin ang lupang diniligan ng dugo
Ang kapayapaa'y nakatanim na sa puso
Nguni't ang kalaban ay naririyan pa
La-la-la-la-la-la-la la-la-la
La-la-la-la-la-la-la la-la-la (la-la-la)
La-la-la-la-la-la-la la-la-la
La-la-la-la-la-la-la la-la

Tatang Tatang alam kong alam niyo
‘Di sapat ang libu-libong baril at hukbo
Patuloy ang digmaan iba lang ang anyo
Ang kalaban ay naririyan pa

Tatang Tatang alam kong alam niyo
‘Di sapat ang libu-libong baril at hukbo
Patuloy ang digmaan iba lang ang anyo
Ang kalaban ay naririyan pa
Ang kalaban ay naririyan pa
Ang kalaban ay naririyan pa
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Tatang

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche de la valise
2| symbole à droite de la maison
3| symbole en bas de l'oeil
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid