Liban is a song in Tagalog
Yeah ah ah
Yeah ah
Girian sa'king isipan kaninong panig pagpipilian
Saan patungo pang matagalan ba o sadyang panandalian
Kung kailan huli na ang lahat saka mo lang maiisipang mangatwiran
Kung ilang oras nalang ang nalalabi
Ano ang iyong pagpapaliban
Tanong sa aking sarili
Kung ayaw mo gitnang daliri
Sila'y nagpapataasan sa iisang pader
Ako sa puder umihi
Ano magandang balita
Kung sinisira imahe ng kakampi
Yung iba parang sabik gumanti
'Di porket na kadikit makakampante
Piniling hindi magsalita at baka balang araw magamit sa'kin
Isipin mga susunod na mangyayari baka samakalawa wala na kong maipakain
Sa mga nakita ng mata hindi mo rin talaga kami masisisi
Nagsilbing patunay malalim narin aking nahukay di matibag tinayong haligi
Wala na sa'king kabataan
Pero tatamaan kahit 'di bumabaril
Dilang matabil
Buong pangyayari sa loob ng isang araw isinulat sa papel
Isinulat sa papel
Girian sa'king isipan
Kaninong panig pagpipilian
Saan patungo pang matagalan ba o sadyang panandalian
Kung kailan huli na ang lahat saka mo lang maiisipang mangatwiran
Kung ilang oras nalang ang nalalabi
Ano ang iyong pagpapaliban
Ilang beses tinakpan pangatlong mata ngayo'y mulat na
Dami ko din kilalang 'di namayapa ngunit paa'y unat na
Paano pabaya
'Di pa na nadala
Wag ka na magulat kung wala ng babala
Kahit nga bundok 'di maiwasan mabaha
Hinahanap ang liwanag hindi na ko nangapa
Nakasama bandido
Bakit ba ko naparito
Iwas sa negatibo
Usap-usapan dito
Makapanindig balahibo
Kanya-kanya sila ng motibo
'Yoko na sana maulit mabasag ng sobra mapunit
Mag-iwan memorya uukit ginto aking oras sinulit
Andami mang beses umulit hindi napapagod iguhit ang mga pinlano
Habang sakay ng eroplano
Napangiti nalang sa taas kasi malayo na aking dinayo

Pagpapaliban