Kung Sana Lang est une chanson en Tagalog
Araw araw nasasayang lamang pagmamahal mo sa kanya
Bakit 'di mo ba makitang parang ikaw nalang sinta
Ang lumalaban para magtagal pa kayong dalawa
Lahat tinitiis mo kahit na nasasakatan ka na
Bakit hindi mo ba makitang heto lang ako
Handang gawin lahat basta ikakasaya mo
Hindi katulad niya 'di ka mabigyan ng konting halaga
Ngunit bakit 'di mo pa rin magawa na iwan siya
Kung ako nalang sana ang nauna
Nauna mong nakilala
'Di na sana lumuha ang mata mo dahil sa kanya
Lungkot ng kahapon mo sana ay kalimutan na
Pakinggan mo naman at pagbigyan
Dahil 'di ko na kaya na masdan
Na nahihirapan ka
Nandito naman ako oh oh oh
'Pag sinaktan ka niya sa'kin ka pumupunta
'Pag iniwan ka ako nandito lang diba
Wala akong magawa kahit parang ayoko na
Nagtitiis maging pangalawa
At maging takbuhan mo 'pag may problema ka
At patuloy umaasang baka mapuna mo
Na mahal kita kahit mahal mo ay iba
Kung sana lang ako ang nauna
Pinipilit ko nang pigilan
Pinipilit ko nang iwasan
Na mahulog pa sa 'di naman kayang suklian
Pagmamahal ko na naunahan
Ng taong minsan ding nangakong 'di ka sasaktan
At paluhain ka ngayong siya na ang dahilan
Umaasa ka sa walang kasiguraduhan
Imulat ang mata may isang tao pa na nandyan
Na handa kang saluhin sa tuwing binibitawan niya
At handa kang mahalin at ipakita na higit pa siya
Iingatan ka di ka sasaktan
'Di katulad niya
Pakinggan mo naman at pagbigyan
Dahil 'di ko na kaya na masdan
Na nahihirapan ka
Nandito naman ako, oh oh oh
'Pag sinaktan ka niya sa 'kin ka pumupunta
'Pag iniwan ka ako nandito lang diba
Wala akong magawa kahit parang ayoko na
Nagtitiis maging pangalawa
At maging takbuhan mo 'pag may problema ka
At patuloy umaasang baka mapuna mo
Na mahal kita kahit mahal mo ay iba
Kung sana lang ako ang nauna
Sana maisip isip mo
Na pilit ko na pinipilit ito
Aking nadarama kahit hindi mo madama
Na pinapadama ko ang lahat ng kaya ko
Patuloy na naghihintay sa 'di alam kung darating
Patuloy umaasa kahit na ako pa ay maging
Pangalawa lamang at kaibigan lang
Matuturing ang isang kagaya ko
Kahit mahirap ang tatahakin
Kakayanin ko 'di ako susuko sayo oh oh
'Pag sinaktan ka niya sa'kin ka pumupunta
'Pag iniwan ka ako nandito lang diba
Wala akong magawa kahit parang ayoko na
Nagtitiis maging pangalawa
At maging takbuhan mo pag may problema ka
At patuloy umaasang baka mapuna mo
Na mahal kita kahit mahal mo ay iba
Kung sana lang ako ang nauna
'Pag sinaktan ka niya sa'kin ka pumupunta
'Pag iniwan ka ako nandito lang diba
Wala akong magawa kahit parang ayoko na
Nagtitiis maging pangalawa
At maging takbuhan mo 'pag may problema ka
At patuloy umaasang baka mapuna mo
Na mahal kita kahit mahal mo ay iba
Kung sana lang ako ang nauna