Makakarating est une chanson en Tagalog
Makakarating
1st Verse
Di naman ako masyadong nagmamadali
Mahaba pa ang panahon hintay ka muna sandali
Mas okay kasi para sakin kapag ito'y dahan-dahan
Ang dami ng tanong dito sa aking isipan
Gusto ko 'tong ituloy, wala kang paki
Lahat ng haharang saakin tabi
Kita mo na? Nagulat ka ba? Di ka ba
Sa akin nagtataka
Ohh wag kang magmamadali
Gawin mo munang tama para di magkamali
Balang araw ay makakarating ka
Kahit hakbang katiting pa
Tyagain mo ang bawat segundo na
Natitira habang ika'y gising pa
Wag mo ng antayin na ika'y mawala
Kesa naman wala kang mapala
Malamang kapag ito ay naabot na don mo lang masasabi na meron pala
Akong isang kakayahan,
Na hindi ko naman inaasahan
Na magagawa ko pala 'yan
Anihin na lang bago pa makakuha
Chorus
Gusto kong makarating
Abutin ang pangarap parang bituin
Mga panalangin ay dinggin
Mabigyan ng katuparan ang hiling
Gusto kong makarating
Abutin ang pangarap parang bituin
Mga panalangin ay dinggin
Mabigyan ng katuparan ang hiling
2nd Verse
Kahit mabagal ang pag-usad mala-pagong 'wag kang hihinto
Pagkakataong bumangon, harapin, buksan ang pinto
Sa pagkakakulong sa silid ay nagpakalulong
Sa musika hanggang sa parang nakakarinig ng mga bulong
Sa aking isip halo-halong tinig
Letra, titik, alpabetong sining, himig ng pag ibig,
Kahit minsan parang ayoko ng kumapit
Bumitaw na lang saking pangarap 'wag ng umawit
Manalig nang manalig ka lamang kapatid
Mabatid mo sana na lahat makakatawid
Makakarating ka rin lagi lang makinig
Sayong puso't isip, alisin ang daga sa dibdib
Sipagan at lagi mo lang gampanan
Gano man katarik ang binabagtas na hagdan
Sa dulo ng putikan ay may patag na daan
Tandaan dahil lahat ng nagwagi ay nakipag- sapalaran
Chorus
Gusto kong makarating
Abutin ang pangarap parang bituin
Mga panalangin ay dinggin
Mabigyan ng katuparan ang hiling
Gusto kong makarating
Abutin ang pangarap parang bituin
Mga panalangin ay dinggin
Mabigyan ng katuparan ang hiling
3rd Verse
Naliligaw, nalilito
Di na malaman ang gagawin
Bakit ganito hindi malinaw ang aking mga pagtingin
Tila wala naman yatang patutunguhan ang natanim
Ang hirap na maniwala sa aking sarili na galing
Mauna ka na dahil ako ay makakarating din naman dyan
Gusto ko na mu-nang sulitin bawat segundo saking orasan
Kahit mabagal ang usad, pangako patuloy pa rin itong gagalawan
Lumakas man ang hangin sa kawayanan
Ay patuloy pa rin itong sasayawan
Yayakapin ko ang usad na mabagal
Tatanggapin ko nang buo at walang angal
Durog-durog na rin ang puso ko na bakal
Na parang presong binigyan ng mga takal
Di na minamadali ang proseso
Basta kahit pa'no ay merong progreso
Tanggap ko na rin di lahat ay perpekto
Lahat tayo dito ay merong depekto
Ano man ang kalabasan ay tatanggapin ko ng buo at kumpleto alam ko naman na Makakarating din ako bahala na itong uniberso
Chorus
Gusto kong makarating
Abutin ang pangarap parang bituin
Mga panalangin ay dinggin
Mabigyan ng katuparan ang hiling
Gusto kong makarating
Abutin ang pangarap parang bituin
Mga panalangin ay dinggin
Mabigyan ng katuparan ang hiling