Da Karma Song est une chanson en Tagalog
Da Karma Song
1st Verse
Kapag nagtanim ka ng mansanas
Wag mong aasahang magbubunga 'yan ng santol
Wag mo na ring pangarapin umulan ng napakalakas
Kung mga tinaya mo lang ang ay ambon
Kung kasalanan mo ang mga nangyayari aba, teka di ka dapat pinagtatanggol
Kung may ginawa ka sa iba at ginawa rin' yun sayo wala kang karapatan na magmaktol
Pumili ka dito sa dalawa
Pwede mong danasin lungkot lamang at saya
Makabuluhan o ang pag-aaksaya
Importante o ang walang halaga
Mapayapa o palaging may kaba
Karespe-respeto o maging katawa-tawa
Itong kabutihan o pagiging masama
Ano ang ginugusto ng 'yong kaluluwa?
Pare, hindi tayo nabubuhay sa wala lang
Merong kapalit ang mga labis mo na yabang
Balewala ang pinagmamalaki mong tapang
Kung sa ibang tao di ka marunong gumalang
Dapat maranasan mo rin kung pano gumapang
Pakinggan mo ang nag-iisa kong paalalang
Bago mo kainin ang isda na nakaatang
Pag-aralan mo kung pano mag-alis ng hasang
Kahit anong bakal kakapitan ng kalawang
Gusto mong di maganda ang iyong pamamaalam
Kaypangit ng 'yong lasa tila kulang ka sa bawang sarap mong isahog tengang-kawali at iatang
Kahit di na antayin ay darating na lamang
Ang lahat ng mga ginawa mong karmang ikaw rin ang pumili, aba! sino nga pa nga bang? dapat
Na sisihin kung hindi sarili lamang
Chorus
Kung anong tinanim sya rin ang aanihin ang sabi sa kasabihan
Kung ayaw mong gawin sa iyo
Wag mong gawin sa kapaligiran
Mula sa Ngayon ang iyong kinikilos subukan mo ng alamin
Dahil ang karma di mapipigilan pag sya na ang parating
2nd Verse
Puro kasi kayabangan na lang
Ang pinapairal sa bungo
Mga di pa nagsipagtanda
Matauhan sana't maalog
Mga utak n'yo na ginawa n'yo lang tungtungan ng mga anit n'yo kaya bakit ko?
Papatulan yung mga katulad n'yong hambog
Na kala mo naman talaga na magagaling
Ang tataas ng tingin sa sarili wala pa namang narating
Umaastang matatalim daw kuno sila na parang bagong hasang patalim na di kayang papurulin
Balikan natin yung mga panahong pinaghihila n'yo ako paibaba
Kinutya, pinahiya, tinaboy, pinamuka
N'yo pa sakin na talagang walang mapapala
Mga walangya
Kayo, imbis na tulungan n'yong matuto at mahasa yung mga bago sa larangan
Ng panibagong kaalaman
Para paglaon may panglaban
Sila sa gera ng tugmaan pero binaba at tinapakan n'yo
Hinarangan n'yo sa pinto na makapasok
Na para bang kayo lang ang may karapatan na umapak sa tugatog
Galawang talangka
Ang alam ay manghila-pababa
Di mo pa ba halata kaya di ka binigyan ng gantimpala't himala
Kaya kung ako sayo tigil-tigilan mo na ang kakatira sa iba, dahil sayo lang tumatama
Iwasan mo na din mga gawaing masama kasi baka biglang balikan ka ng masamang karma
Chorus
Kung anong tinanim sya rin ang aanihin ang sabi sa kasabihan
Kung ayaw mong gawin sa iyo
Wag mong gawin sa kapaligiran
Mula sa Ngayon ang iyong kinikilos subukan mo ng alamin
Dahil ang karma di mapipigilan pag sya na ang parating
3rd Verse
Malamang sa malamang, marami na ang taong mapanghusga
Kung mabuti man o masama ang ginawa mo
Ito ay babalik sayo sa ginawa mo
Maliit o malaki ang bumalik sayo
Tanggapin mo na kung ano ngang meron sayo
Dapat nga magpasalamat ka dahil kahit papano meron kang natatanggap sa mga ginagawa mo oo
Kung karma lamang usapan, malamang hindi mo 'to matatakasan
Kung positibo, negatibo ang ' yong mga dinala, talaga na dapat mo ' tong maranasan, KARMA!
Ang masama ay di gawain
Kung ayaw mong ito ay bumalik sa atin
Maging mabuti lagi ang iyong hangarin
Balang araw ikaw ay pagpapalain ng
Karma, karma, karma, karma, karma
Dapat bawat pagkilos mo, tama man ' yan o mali, wag na wag kang matatakot sayong pagkakamali
Yung mga ayaw mong gawin sayo, wag mo nang dapat gawin sa iba ahh
Kung gusto mo na bumalik sayo, maging mabuting halimbawa ka
Chorus
Kung anong tinanim sya rin ang aanihin ang sabi sa kasabihan
Kung ayaw mong gawin sa iyo
Wag mong gawin sa kapaligiran
Mula sa Ngayon ang iyong kinikilos subukan mo ng alamin
Dahil ang karma di mapipigilan pagsya na ang parating