Tinamaan est une chanson en Tagalog
(VERSE 1)
Gumagaan
Ang pakiramdam pag tayong dalawa nagbibiruan
Kaso paminsan bigla nalang akong kinakabahan
Baka kasi ay sinasabayan mo lang ako’t pinaglalaruan
Sana naman ay hindi ka ganyan
Alam ko naman takot kang sumugal
Iniiwasan mo lang masaktan
Di mo na kailangan ng kapital
Para ang kwento ay masimulan
Subukan mo doble ang pagmamahal
Sakin mo lang to mararamdaman
Dahil hindi naman to illegal
Yan ang palagi mong tatandaan
(PRE CHORUS)
Wag ka matakot
Di gagawa ng hindi mo gusto para di ka mapagod
Papalitan ng ngiti ang mukha mo na nakasimangot
Pangarap kita na gustong maabot
Pangarap ko rin magkaron ng tsikot
Tapos sabay tayong mag-iikot
(CHORUS 2X)
At kahit na maglakad tayo ay di
Ako mapapagod kaya ng paa’t binti
Tanggal ang angas ko pag nakatitig at ngiti
Ka sakin nanggigigil na sayong labi’t pisngi
(VERSE 2)
Sakin ka lang
Kahit andaming gwapings nakapila at nakaabang
Wag kang magpapadala kasi baka lokohin ka lang
Dito ka sakin wag ka mailang
Di ako tulad nila na hibang
Problema ko lang ay paminsan lutang
Kahit saan mo gustong pumunta
Di tatanggi sasamahan kita
Gumagaan ang problemang dala
Sa tuwing nakikita kitang masaya
Alam ko namang tinamaan ka na
Wag mo na sakin na itanggi pa
Kahit anino ko huli ka na
Sa mga galawan mong kakaiba
(PRE CHORUS)
Wag ka matakot
Di gagawa ng hindi mo gusto para di ka mapagod
Papalitan ng ngiti ang mukha mo na nakasimangot
Pangarap kita na gustong maabot
Pangarap ko rin magkaron ng tsikot
Tapos sabay tayong mag-iikot
(CHORUS 2X)
At kahit na maglakad tayo ay di
Ako mapapagod kaya ng paa’t binti
Tanggal ang angas ko pag nakatitig at ngiti
Ka sakin nanggigigil na sayong labi’t pisngi