Kuminang est une chanson en Tagalog
Guddhist (1st Verse)
Pagtanaw ko sa orasan umaga na pala ulit
Sobrang bilis naman? Parang kahapon lang proseso napakatagal, ngayon bigla nalang kami yung nasa harapan
Parang sarap bumyahe, par ang sarap bumyahe
Pagtapos ng mga nangyari bitawan ang mga pasaning bagahe
Bitawan ang mga di satin, aralin ang buhay na mas magaan
Kahit na san kaman mapadaan, dala mo ang aral ng nakaraan
Daming pasikot sikot, ikot ikot, aking utak kinakalikot
Dati lagi pa na titisod, nung ilegal ang pinapaikot
Buti nalang natuto nagbago sa mga nangyaring mali
Aminin ko di rin naging madali, sariling isipan ang katunggali yeah
Pakawalan ang isipan, mundo'y magulo, kahit na parang ang hirap lumaban tuloy lang ang buhay mundo ay sayo
Kuhain mo lang, wag ka mailang, bitwin ka sa langit handang kuminang, andaming pasakit bilangin mo lang, wag ka magpasakop kalmado kalang yeah
(Chorus)
Kalmado kalang, Kalmado kalang
Andaming pasanin, Andaming pasakit
Kalmado kalang yeah
Kuhain mo lang, wag ka mailang, bitwin ka sa langit handang kuminang, andaming pasakit bilangin mo lang, wag ka magpasakop kalmado kalang yeah 2x
Zyre (2nd verse)
Salamat po, sa karanasan mas lalo lamang na lumawak,
Ng dahil sa Kapusukan muntik lang din na mapahamak,
Buti sarili'y natuklasan, ngayon alam ko na ang dapat
Na kahit ang daming malampasan, paa sa lupa'y nakatapak
Sa una ka lang malulula kapag di mopa nakukuha
Ang dami pa ngang magdududa pero di kailangan manduga
Ginagawa ko to ng patas, lumalalayo lang din sa ahas
Dati kong buhay sa ibaba ayoko lang ulit Madanas
Nung kasipagan tumagas, siguro lahat ay aking sinalo
Dami ko ring sugat na tinamo, bago tagumpay sakin ibato
Yaan mo lang silang mag-inaso mananatiling tigre
Kaalaman sarili ko lang Wala saaking nagtimbre
Di ko man masabi, kung ano pang mangyayare
basta sakin importante ang paghukay ng dyamante
(Chorus)
Kalmado kalang, Kalmado kalang
Andaming pasanin, Andaming pasakit
Kalmado kalang yeah
Kuhain mo lang, wag ka mailang, bitwin ka sa langit handang kuminang, andaming pasakit bilangin mo lang, wag ka magpasakop kalmado kalang yeah 2x