Huling Patak ng Luha is a song in Tagalog
Matagal na buhat ng tinapos mo kung ano ang meron tayo
At ang masakit nun saglit lang meron ka na agad bago
Malambing ka sa kanya pero ba't sa'kin hindi ka ganon
Tiniis ko ang tratong malamig sa pagtagal natin ng tatlong taon
Wala kang ginawa kundi ang pasakitan lang ako at idapa
Sa kalungkutan at bigat ng loob diba dun mo'ko dinala puro poot ang aking napala
Sobrang sakit ang aking nadama nung makita kong may iba ka na
Tang ina buti ka pa
Ikaw ay hinabol ko kahit pinagtutulakan mo'ko palayo
Kahit masakit sa'kin bakit pinagmamasdan ko pa kayo
Magkahawak kamay ang ganda ng lagay habang ako'y durog parang mamamatay
Labis na nanamlay sa paghihiwalay sarili ko saan ko ba ilalagay
Habang nakikita kong napaibig ka nya nahawakan ka nya
Parang ayoko nang mabuhay mag-isa gusto kong mamatay na at magpahinga
Bakit ba ang sakit mong mahalin anong kasalanan ko sa maykapal
Kung meron man sa tingin ko yun ang labis kitang minahal
Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko
Magiging bahagi ka nalang ng alaala ko
Alam kong hindi ganon kadali ang lahat
Pero salamat sa pagmamahal mo
Patawad sa mga pagkukulang ko
Pangakong huling patak na ng luha 'to
Maging masaya ka sana't mag-iingat ka
Mahirap man pero alam mong ito ang mas makakabuti para sa'ting dalawa
Mali pala ang makinig sa'yo
Pero alam mo ako'y bilib sa'yo
Kase ang puso ko mahirap 'tong wasakin
Pero ikaw palang nakasakit sa akin
Ang galing no ako'y iyong napagtripan
Kakahiwalay palang agad mo'kong napalitan
At aking natutunan nung ikaw ay nakamtan
Madali lang manakit ngunit mahirap masaktan
Ganon pa man bakit ako'y nagpapakahangal
Kahit na meron ka nang pinalit na iba ba't ikaw parin ang aking mahal
Bakit ako nagkakaganito
Bakit ako nagpapakatanga
Bakit ako umaasa sa tao na 'di naman ako ang mahalaga
Bakit ganon bakit ganyan bakit ako ay sinaktan mo rin
Bakit ang dami kong tinatanong kahit na alam kong di mo sasagutin
Kahit na pagdudusa pinapadama mo sa akin pilit kitang aabutin
Ba't kahit ang sakit sakit na bakit gusto ko pa din
Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko
Magiging bahagi ka nalang ng alaala ko
Alam kong hindi ganon kadali ang lahat
Pero salamat sa pagmamahal mo
Patawad sa mga pagkukulang ko
Pangakong huling patak na ng luha 'to
Maging masaya ka sana't mag-iingat ka
Mahirap man pero alam mong ito ang mas makakabuti para sa'ting dalawa
Hanggang ngayon ay ikaw parin sinta
Ang alaala mo ay yakap ko oohh
Sa init at lamig
Pagod na pagod na akong umiyak
Pagod na pagod na akong mahirapan
Pagod na pagod na akong marinig na tayo'y di na magkakabalikan (woh)
Pagod na ako hindi ko na kaya siguro hanggang dun nalang talaga
Siguro kailangan ko nang ilakad palayo sa'yo ang aking mga paa
Pangako hindi na ako aasa na ikaw ay muli ko pa na makukuha
Pangako huli na 'to hindi na papatak ang aking mga luha
Pangako wala ng ako na palaging kang haharangan ka sa daan
Pangakong magbuhat ngayon lalayo na ako di mo na 'ko mararamdaman
Uulitin ko hindi mo na 'ko mararamdaman
Lalayuan na kita dahil di ko makakalimutan pa na tandaan
Na sinaktan pinalitan mo ako bakit ano'ng dahilan
Dahil ba di ka na masaya sa'kin kaya ang solusyon mo'y palitan
Ang katulad kong nagmamahal sa iyo kahit na paghihirap lang ang kapalit
Tang ina minahal kita alam mo yan ako'y di sumusuko kahit masakit
Ngunit tama na tama na tama na oo tama na ang pagdudusa ko
Ito na ang huling pagpatak ng luha ko
Matagal na kaming nagdudusa
Madami na din kaming naipatak na mga luha
Nakakasawa na at nakakapagod din
Kaya tama na siguro yun
Kaya ito ang huli naming pamamaalam
Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko
Magiging bahagi ka nalang ng alaala ko
Alam ko hindi ganon kadali ang lahat
Pero salamat sa pagmamahal mo
Patawad sa mga pagkukulang ko
Pangakong huling patak na ng luha 'to
Maging masaya ka sana't mag-iingat ka
Mahirap man pero alam mong ito ang mas makakabuti para sa'ting dalawa