song lyrics / Still One / Hihintayin Kita lyrics  | FRen Français

Hihintayin Kita lyrics

Performers Still OneLoraineYayoi

Hihintayin Kita song lyrics by Still One official

Hihintayin Kita is a song in Tagalog

Ikaw ang may gusto nito
Pinili mong iwan ako
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang umayaw ngunit bakit

Parang ako pa ang umaasa na baka magbago pa
Nagbabakasakali na lamang na ako ay mahal mo pa
Patagong masaktan
Patagong kinakaya

Naghihintay na bumalik ka (oh)
Lalaban parin kahit sinusuko mo
Kakapit parin at baka maayos natin to
Kung hindi na ako ay hayaan mo sana

Mahalin na lang kitang mag isa
Masakit mang di na ako ang dahilan
Ay masaya kong masaya ka kung nasan ka man
Kung magbago ang takbo

Palagi lamang na nandito ako
Para sayo

Nandito lang kung sakaling
Magbago pa ang damdamin mo
‘Wag mo naman na sukuan
Kung kaya naman pagusapan

Kailangan pabang mahirapan tayo
Kung ‘di na kayang ibigin
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko
Handang masaktan malaman ko lang na mahal mo parin ako

Hindi ko alam kung maghihintay paba ko
Sa taong nangako na babalik sakin wala kong
Magawa kasi di ko alam kung san pupuntahan
Kung hindi mo na ko mahal pwedeng sabihin mo naman

Kahit alam ko na hindi na tayo muling magkikita pa
Kahit mamuti ang mata hihintayin parin kita
Sa lugar na kung san iniwan mo akong nag-iisa
Aasa pa hanggat may pag asa akong napipiga

Alam kong merong dahilan lahat ng mga bagay
Dahilan kung bat kailangan natin magkawalay
Dahan dahan ang sarili binabangon sinsanay
Pampatibay na balang araw sakin ay aalalay

Alam ko na hindi mo ba ako babalikan
Matapos mong panlamigan bago mo ko hiwalayan
Alam kong di na yan ikaw mahal ibang iba na yan
Kaya ang paghihintay ko’y wala na ring pupuntahan

Nandito lang kung sakaling
Magbago pa ang damdamin mo
‘Wag mo naman na sukuan
Kung kaya naman pagusapan

Kailangan pabang mahirapan tayo
Kung ‘di na kayang ibigin
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko
Handang masaktan

Malaman ko lang na mahal mo parin ako
Hindi ako mapapagod na mag hintay
Nasa isip ko palagi hawak ang iyong kamay
‘Di ko naman makita ang sarili sa iba

Ako’y sa’yo lang talaga oh aking sinta
Pero sabi mo sa akin lalayo ka muna
Hahanapin ang sarili dahil ba hindi kana masaya
Pwede namang ulitin nating ibalik pa sa umpisa

Pagusapan natin dahil ‘di ko kayang mag isa
Ayusin nalang natin ‘to nasan na yung
Kasamang magplano
Ikaw paba yung dati kong mundo

Mabuti kapa nakakaya mo
Ang hirap pigilin
Ayokong isipin na hindi kana sa’kin
Sinong dapa't sisihin

Ako ba ang nagkulang o ikaw ang siyang
Hindi naging tapat
Nandito lang kung sakaling
Magbago pa ang damdamin mo

‘Wag mo naman na sukuan
Kung kaya naman pagusapan
Kailangan pabang mahirapan tayo
Kung ‘di na kayang ibigin

Ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko
Handang masaktan
Malaman ko lang na mahal mo parin ako
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Hihintayin Kita lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the camera
2| symbol to the left of the target
3| symbol to the left of the envelope
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid