Buti Ka Pa Ok Ka Na is a song in Tagalog
Iniisip 'yung nakaraan hinaanan 'yung halos hindi pa
Handa na ikaw ay aking bitawan
Hanggang sa akala ko'y unti-unti ko ng natanggap
Ngunit para bang may gumugulo naglalaro sa isipan na
'Di ba dapat ako ang na sa katayuan niya
Pinaglalaanan ng pag-ibig na 'di matutumbasan
Mabuti pa nga siya sinusuklian ang isinusugal na pagmamahal
'Di gaya ko dati na tinalikuran mo 'di rin tayo nagtagal
Buti pa siya pinapakikinggan mo
Buti pa siya sinusuyo mo
Buti pa siya nararamdaman niya ang totoong pagmamahal mo
Alam mo bang hanggang ngayon sarili aking sinisisi
Buti pa siya tila tinalo niya 'yung dating meron sa'ting dalawa
Maging sa panaginip dinadala ng imahinasyong
Ika'y katabi ko't yakap pa
Ngunit nang magising na may luha sa'king mata
Doon ko napagtanto na matagal na pa lang walang tayo
Hindi na ako ang iyong mundo nakatitig na lang sa larawan mo
Mabuti pa siya pinaglaban mo ako 'yung natalo dahil binitawan mo
Buti pa siya pinapakikinggan mo (oh)
Buti pa siya sinusuyo mo (oh)
Buti pa siya nararamdaman niya ang totoong pagmamahal mo
Alam mo bang hanggang ngayon sarili aking sinisisi
Buti pa siya tila tinalo niya 'yung dating meron sa'ting dalawa
Iniisip ko lagi kung pa'no ba tayo dumating sa huli
Akala ko dati wala ng hangganan
Ang pag-ibig mo sa akin ka lamang
'Eto ngayon siya na ang kasama mo at ako ngayon ang nag-iisa
La-la-la-labis akong nagsisisi
Wala-la-la-la akong dapat habulin
Siya na ang kasama mo sa bawat paggising sa umaga
Dahilan kung bakit ka naka-ngiti
Kaya pala sobrang bilis mo lang akong nakalimutan
Kaya ngayon (kaya ngayon)
Kaya ngayon ay siya na at hindi na ako
Siya na ba ang dahilan
Ng mga ngiti mong walang mapaglagayan
Habang ako lango't pinupuno ang tagayan
Nasasaktan sa'king mga napapag-alaman
Balita ko 'yung dating ikaw na hindi marunong magpatalo
At hindi tumatanggap ng kamalian
Lumuluhod na para lang magkabalikan
Na sa'kin ay hindi mo nagawa ni minsan
Buti pa siya nakatikim ng tunay mong pagmamahal
Na sa'kin ay hindi mo man lamang ipinaranas noon
Kahit kasalanan mo ako ang umaamo at ikaw pa ang may gana na lumayas
Buti pa siya kahit sinasaktan ka lang
Tinitiis mo ang lahat upang kayo ay tumatag
Samantalang ako sa haba ng ating pinagsamahan
Sa isang mali iniwan mo 'ko kaagad