song lyrics / Skrrt Beatz Yo / Tinta lyrics  | FRen Français

Tinta lyrics

Performers Skrrt Beatz YoMc Kelvin John Dela CruzJenry Vhoy ParadoHajie Grampa

Tinta song lyrics by Skrrt Beatz Yo official

Tinta is a song in Tagalog

Tinta

1st Verse
Nagsimula lang ito, sa isang blangko na papel
Hinawakan ang panulat at sinulat sa papel
Paulit-ulit ang tanong saatin ng mga tao
Kung tutuloy ko pa ang pagsulat saking kwaderno

Malamang sagot ko'y opo, hindi na bago 'yan
Kung gusto kong maibalik ang lahat ng kaalaman
Sa musikang sinimulan, tag-araw man o tag-ulan, itutuloy ko ang awitin dati kong sinimulan

Marami ng notebook ang aking nasusulatan
Wala akong paki kahit kamay ay masugatan
Tuloy-tuloy ang laban di pwedeng huminto
Pagsusumikap at tyaga para makuha ang ginto ohh

Chorus
Wag mong iisipin na ika'y nag-iisa, hawakan mo lang ang panulat mong dala-dala
Asahan mo na meron kang mapapala
Basta ituloy mo lamang ang iyong ginagawa
Oh Tinta, Tinta Tinta, Tinta ahhhhh

2nd Verse
Mula ng matutunan ko, gumamit ng panulat
At ang laman ng utak maisulat
Maihayag ang damdaming minanhid ng sugat
Sakit na nagturo sakin kung bakit namulat
Kung bakit natuto at kung pa'no hinasa
Pinatalim ng karanasan at gurong kalsada
Nagturo na sa bawat hamon, 'wag magpa kumpyansa
Lumaban ng patas at wag mawalan ng pag-asa
Lakbayin, baybayin, tignan mo sa mapa
Daan sa katuparan ng mga pangarap
Mo na hawak-hawak mo sayong mga kamay
Sa taas ka lang dapat lagi na magpagabay
Sisirin nang sisirin ang malalim na kathang
Kaya mong maiukit gamit ang mga letrang tulang magbibigay sayo ng kalakasan ng loob upang
Makipagsabayan ka sa mga iilang dilang hibang na tila di na tumitila hiningang di na humihinga
Bumuga ng mga salitang nagmula pa ata sa ibang planeta minamaliit lang nila to noon ngunit ngayon pagbangon ng mga talata na parang naging buhay ko na
Dugo ang puhunan ko saking tinta
3rd Verse
Napakaraming mga pangyayaring nag bakasakaling itoy maisalin
Katulad ng dati gawain ko lagi ang bawat sinabing mithiin
Pasa-pasakalye ang paglalagare madalang lamang Kung isipin
Laging umiere ang di pagdepende Tila Naka lenteng damdamin

Kahit maligaw ako'y di bibitaw
Hindi man lumitaw o palarin
Bulong at sigaw, alulong at hiyaw
At may tanging ikaw saatin
Wag kang aayaw, tuloy lang ang galaw, layuan ang tanaw at lakarin
Higupin ang sabaw kung ika'y nauhaw ang pagsulat at gawing pagkain
Itong aking landas matarik, mataas
Delikado kung gustong tahakin
Wala 'tong batas kung pano umalpas
Sarili ang Dapat mong sundin
Wala sa antas wag ka magmataas
Kung meron ng katas na nakahain
Magdasal sa taas gawin' to madalas
Para mapalakas ang awitin
Salita'y laruan kahit na baguhan ang inyong Tingin dito Sa akin
Aking pupunan mga kakulangan sa papel kong pagkamalikhain
Kapag sinimulan mo ang katapusan at bigo ang inyong adhikain
Wag mong ayawan meron pang paraan balang araw ika'y papalarin

Chorus
Wag mong iisipin na ika'y nag-iisa, hawakan mo lang ang panulat mong dala-dala
Asahan mo na meron kang mapapala
Basta ituloy mo lang ang iyong ginagawa
Oh Tinta, Tinta Tinta, Tinta ahhhhh

4th Verse
Pagkakataon para muli ako na makabangon
Haharapin ko ang pagsubok na sa akin ay humamon
Tutuloy ko aking pangarap na nilimot ko kahapon
Tatalikuran ang problema na sa akin ay binaon

Gagawin ko ang lahat upang ako ay magwagi
Papasukin ang larangan nang hindi nagmamadali
Ibubuhos ang lahat kahit wala itong sukli
Nadapa ka man bumangon ganon lang 'yon kadali

Ang pagsulat ng kanta isa na 'to sa katangian
Dapat ipaalam talento mong pinanggalingan
Huwag mong ikahiya, ipaalam sa karamihan
Ubusin ang tinta kahit ako ay pagpawisan

Chorus
Wag mong iisipin na ika'y nag-iisa, hawakan mo lang ang panulat mong dala-dala
Asahan mo na meron kang mapapala
Basta ituloy mo lang ang iyong ginagawa
Oh Tinta, Tinta Tinta, Tinta ahhhhh
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Tinta lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the helmet
2| symbol to the right of the thumbs up
3| symbol to the right of the heart
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid