Mangoes Rappers is a song in Tagalog
Hook :
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Sikretong Muzika
Verse 1
Mangoes Rappers, Sikretong Muzika, patuloy na hinahanap ang kongkretong susi ha
Dito kami nanggagaling, wala 'tong duplika
Ito'y sarili na istilo hindi 'to replika
Manggahan, Karangalan Pasig dun kami nanggaling sinasabi namin totoo hindi' to sinungaling, isinalin sa papel ang mga letra inihain buong pagkatao tinuon sa musika binaling
Di man napapasama sa mga bigatin
Ang bawat pangarap ay papangarapin
Kahit bumagyo di magiging mahangin
Ang kahit ano kaya naming suongin
Pasig City Ultimate pwede nyo kaming collaborate
Kung hindi kayo maka-relate wag nyo nalang kaming i-hate
Nais lang naman namin na lalong matuto
Mga awit na aming sinasaulo maging guro
Hook :
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Sikretong Muzika
Dito namin tinugon kahit usad ay mabagal
Dito sa grupo namin may mapupulot kang aral
Kahit na mabibigat ang aming tinatangan
Lagi lang dinadaan dito sa may kantahan
Baguhin mo yung asal maging mabuti ka lamang
Isaalang-alang mo ang mga naranasan
Kami nga pala yung bata na manggahan
Sikretong Muzika ang ginawa naming pangalan
Nagmula sa Pasig, May pangarap na masigasig
Palaging kumilos nang makisig ang bawat plano isaisip
Sinahimig, paglikha ng kathang
Tulaan ko na parang biglang walang
Likuan ang bawat usad ng hakbang yung mga paa kong na sa putikan
Lumakad, humakbang, gumapang ha? handang ipagpatuloy
Sagabal, tapakan, iwanan, ang mga maling tinutukoy. beng
Di man tinuturing na pinakamagaling
Inaaral, hinahasa upang lalong tumalim
Umaapak 'to sa bubog kahit na walang sapin
Ang iyong kalaban lamang ay sariling salamin
Hook :
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Sikretong Muzika
Madalas di naman kailangan ng salapi
Upang sa pangarap ika' y magapi
Kahit na mabagal, wag kang magmamadali
Gawin mo lang nang tama para di magkamali
Tinotono ng papel, hinihimigan 'to lapis
Upang makamtan ang aming mga ninanais
Kahit na palaging sumusobra na sa labis
Sa aming mga pangarap ay mananatiling wais
Ang mga binuo kailangan ipagpatuloy
Sayang naman ang pawis kung hindi pagpapatuloy
Sabayan mo lang ang agos sa ilog na dumadaloy
Gawin mo ang 'Yong pangarap wag na wag mong isasaboy
Pwede bang ibang tema, pasarapin ang timpla
Galing kami ng Manggahan hindi kami mga uhaw sa kasikatan eyyy
Pwede mo naman din mapakinggan tugmaang mala-Mac10 na machine gun kapag rumatatat
Sagad at tapat ibinubuhos sa pangarap ang Lahat-Lahat para lang mapabakat ang aming pangalan sa aklat ng mga ALAMAT Madalas man salat lalo kong binagtas matikman ang katas
Pinagtuonan ko na lang baka sakaling bukas ay makapitas
Hook :
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Mangoes Rappers
Sikretong Muzika