song lyrics / Skrrt Beatz Yo / Pakawalan lyrics  | FRen Français

Pakawalan lyrics

Performers Skrrt Beatz YoMc Kelvin John Dela CruzJenry Vhoy ParadoHajie Grampa

Pakawalan song lyrics by Skrrt Beatz Yo official

Pakawalan is a song in Tagalog

Pakawalan
Hook
Pakawalan mo
Huwag mong hayaan na manatili
Alisin mo ang mga lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan

1st Verse
Nakakulong sa silid na madilim
Palihim kong binatid, linangin
Upang aking maarok ko ang pagiging
Kung ano mang pinagkaloob mo sakin
Hasain, matulin-tulin kong habulin, hulihin
Hanggang alapaap man 'yan
Nakatagong dragong natutulog sayong pagtao'y gisingin at pakawalan
Sa magulong kamunduhan, magabayan
Bigat na dinadama, mapagaan
Daming balakid ay lalampasan
Panahon na upang bulsa'y magkalaman
Lumagare, sagad-sagaran, agaran ko na dinaanan, kapalaran na sa akin binigay
Ay ginamay ko sa aking magkabilaan na kamay hanggang sa mapasakamay
Sa buhay ay magtagumpay, tumulay
Ka lang laging mapayapa at kalmado
Pakawalan mo sayong pag-iisip na sarado
Bumabalot na kalungkutan hayaan mong maglaho
Sagarin mo bawat bwelo, dumiretcho ka sa plano mong pagbago sayong kinabukasan
Handang piliting mahanap
Daan ng pinapangarap
Madalas man na maalat pa sa tubig dagat
Subalit piniling pakalat-kalat
Ang mga katagang kinalap ko ay isiniwalat
Ngunit dapat magpatuloy ka sa lakad
Mga balak mo
Ang talento mabahagi sa mga Tao, pinapadaloy sa pandinig mapaniwalaan ang
Nagsabing ako daw nga ay sinungaling
Pilit hinanap pake ko
Tabi ko sa pagtulog lagi ang aking pangarap
Bumaluktot o baliko, napakalabong huminto
Pilit kong winasak ang pinto ng pagkatao'y makalaya na sa napakagulong mundo
Lipad sa alapaap

Hook
Pakawalan mo
Huwag mong hayaan na manatili
Alisin mo ang mga lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan
Kahit Pa nadaragdagan
Pakawalan mo
Huwag mong hayaan na manatili
Alisin mo ang mga lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan
Kahit Pa nadaragdagan

2nd Verse
Kung enerhiya'y lumalason
Sa pilitan na nilalamon
Ng di maganda nating kahapon
Tila ba nalulunod sa alon
Mabigat na balikat Pano ba babangon
Lumangoy Kahit di na makaahon
Ang Ngayon pakiusap wag ng itapon
Muli kang mag-init o ito panggatong

Sa kongkretong pako, hinulma at inukit ang paparating na kasaysayan
Hindi kayang tagpasin o kahit mapalambot ang ulong sadyang may katigasan
Wala ng Ibang rekado pagkat kalakasan
Mo ang kalikasan alam mo Kung nasan
Sa dinadaanan mo mararanasan ang kahalagahan ng pinagdaanan
Ano Ang kailangan Upang kalayaan
Naman masilayan pagsusumikapan
Iwas Kayabangan lalong susulatan
Kahit Bulagaan at nagugulatan
Kung nakukulangan o nagugulangan
O nauutakan ng napupusuan Dapat matutunan
Wag kalilimutan sayong katauhan
Lalago din Yan

Oo nasugatan di inaasahan
At usap-usapan ng puso't isipan
Pinanghahawakan malapit ng bitawan
Di na makayanan dala ng kabigatan
Dasal kapayapaan sayong kalooban
Bago ang higaan na may kapatawaran
Ang dala ay magaan pero may pusong palaban
Wala ng aatrasan sinoman sa harapan
Rrrrrraaaa!

Pwede bang mulat mo Nga 'yang mga Mata mo?
Itanong mo kung gising na nga ba talaga ang tunay na ako?
Kita sa iyong Mata mahimbing na nga ang pagkakahimlay mo
Ingat ka lang sa pag-ikot ng makamundohan natin na mundo heyy

Pumili ka naman ng ipapasok sayong utak
Ayaw mo ng masustansya, Mas gusto mo puro burak
Kaya tignan mo parang ang lagay mo ay nasa lusak
Tanging laging kadiliman ang gusto mong makausap
Kapiraso na liwanag namalagi ang kulisap
Ito nagsilbing senyales upang lalong magsumikap
Pinagana ang talino sinamahan pa ng sipag
Mas piniling harapin mga bagay na mahihirap

Bumulong ang orasan, narinig ko kanyang tic-tac
Isalin na lang daw iyon sa musika na hiphop
Magmula nun lagi ng gutom parang Mc ng fliptop
Kahit ang dinadaanan horizontal o pa-zigzag
Iselyo ang pagkakataon na parang ito'y ziplock
Pakinggan mo mga payo mga linya ng aming rap
Pangkaisipan damdamin at mapapaindak
Basta sa iyong pangarap wag na wag magpapasindak

Eyy ano bang way?
Pare wag ka lamang dyan puro say
At Dapat everyday
Hanggang mapapahey
Di palaging okay
Madalas man delay
Wag sanang madecay
Alamin anong play
Plano man overlay
Patawad disobey
Malambot parang clay
Mainit buwan ng may
Higitan mo today
Lagyan mabuting pray at

Hook
Pakawalan mo
Huwag mong hahayaan na manatili
Alisin mo ang lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan
Kahit pa nadaragdagan
Pakawalan mo
Huwag mong hahayaan na manatili
Alisin mo ang lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan
Kahit pa nadaragdagan

3rd Verse
Mabigat na pasanin
Pero dapat mo na kayanin
Upang ikaw ay maisaing
Para sa tanghalian meron kang Maihaing pagkain

Pantawid gutom para dina kumalam ang sikmura
Mahal na yung presyo kaya minsan di mo na maiiwasan mapamura
Ganyan talaga ang mundo masyado ng mapaglaro
Hanggat ikaw ay buo diretso, wag kang huminto
Yung tuwid wag gawing baliko para hindi nabibigo
Tumingin ka sa tamang landas papunta sa tamang pinto

Ganyan talaga ang buhay dito sa pinas
Kung minsan meron ang wala ay madalas
Sarili mo na lang ang 'yong maaasahan
Kung turing ng iba sayo' y parang basahan

Pakawalan ang negatibo ohh
Dapat lagi lang positibo
Ohhh
Wag mong pakinggan ang
Sasabihin ng iba
Tandaan mong hindi ka nag-iisa ahhhh

Hook
Pakawalan mo
Huwag mong hayaan na manatili
Alisin mo ang lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan
Kahit pa nadaragdagan
Pakawalan mo
Huwag mong hayaan na manatili
Alisin mo ang lamat sa iyong sarili
Kahit pakonti-konti lang
Ang mahalaga ay nabawasan
Kahit pa nadaragdagan
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Pakawalan lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the heart
2| symbol to the left of the calculator
3| symbol to the right of magnifying glass
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid