song lyrics / Pricetagg / Pahina lyrics  | FRen Français

Pahina lyrics

Performers PricetaggJP BacallanGloc-9

Pahina song lyrics by Pricetagg official

Pahina is a song in Tagalog

Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin
Kumakalam sikmura at wala ka nang makain
Sa usok ay sabog nilulunok nalang yung hangin
At isipin na busog baka bukas mapapalarin
Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing
Mainit na kape sinasabaw ko pa sa kanin
Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing
Ngayon alam mo na ang sulat at sugat ko'y malalim
Inisip lang pagsubok 'to hanggang kalian 'to tatagal
Hanggang daga saking dibdib unti unting natatanggal
Bakal na puso ko pano 'ko magmamahal
Natutulog ba ang Diyos kaya pano ako magdadasal
Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado
Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado
Akin na ang kontrata handa na ang lagda ko
Sakin ang titulo ng hinahangad kong palasyo

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Subukan natin bumalik (bumalik)
Sa bawat daan na matinik (matinik)
Kahit na hindi makahalik
Maabot ka lamang ay palaging sabik na sabik
Kami pailan ilan noon (pailan ilan)
Mga taga igib sa balon (balon)
Mababaw man o malalim
Palarin man o malasin
Ay naka handa na tumalon (tumalon)
Sa bangin man o sa tulay (sa tulay)
Madilim at walang gabay (gabay)
Lahat ng bawal ay sinusuway
Gabi na'y naghuhukay makita lang saking kamay
Kahit maputik hatak sa lubid
Laging uhaw at kulang sa tubig
Kung may mali sige umulit
Sa bagong papel pangarap mo'y iguhit

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa

Naging bulag pipi't bingi sa payo ng iba
Tinakwil na nga 'ko ng aking ama't ina
Kausap ang sarili san ba 'to mapupunta
Rehab kulungan kamatayan mamili ka
Pero hindi kailangan ko nang matakasan
At isulat sa papel lahat ng naranasan
Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran
Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan
Mga pikit ang pananaw may araw akong titignan
Tamis ng tagumpay unti unti 'ko nang matitikman
Nasan korona ang ulo ko ay lalagyan
Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian
Tawid dagat nilakbay ko kaya hindi na biro
Madalasan din maiwanan ang aking anino
Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo
Sa Marlon Aristotle Andrew at Kiko

Sinimulan ko 'to walang naniniwala
Sa paligid ko
Eh ano (eh ano)
Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina
At mas sisipagan ko pa
Kahit maubusan pa 'ko
Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina
Maubusan man ng hininga
Di na para ako ay tumigil pa
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Pahina lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the envelope
2| symbol to the right of the thumbs up
3| symbol at the top of the eye
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid