song lyrics / Joey Ayala at ang Bagong Lumad / Magkabilaan lyrics  | FRen Français

Magkabilaan lyrics

Performer Joey Ayala at ang Bagong Lumad

Magkabilaan song lyrics by Joey Ayala at ang Bagong Lumad official

Magkabilaan is a song in Tagalog

Ang katotohanan ay may dalawang mukha
Ang tama sa’yo ay mali sa tingin ng iba
May puti may itim liwanag at dilim
May pumapaibabaw at may sumasailalim

Ang tubig ay sa apoy ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi ang lamig naman ay sa init
Kapag nawala ang isa ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid

Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo

Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan
Ang nagpapakain walang laman ang tiyan
Ang nagpapanday ng gusali at lansangan
Maputik ang daan tungo sa dampag tahanan

May mga haring walang kapangyarihan
Mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan
May mga sundalo na sarili ang kalaban
At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan

Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo

May kaliwa’t may kanan sa ating lipunan
Patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban
Pumanig ka pumanig ka huwag ng ipagpaliban pa
Ang ‘di makapagpasiya ay naiipit sa gitna

Bulok na ang haligi ng ating lipunan (magkabilaan ang mundo)
Matibay ang pananalig na ito’y palitan (magkabilaan ang mundo)
Suriin mong mabuti and iyong paninindigan (magkabilaan ang mundo)
‘Pagkat magkabilaan ang mundo (magkabilaan)

Magkabilaan ang mundo (ang mudo'y magkabilaan)
Magkabilaan ang mundo (oh)
Magkabilaan ang mundo
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Magkabilaan lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the star
2| symbol at the top of the cross
3| symbol to the left of magnifying glass
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid