song lyrics / Joey Ayala / Papel lyrics  | FRen Français

Papel lyrics

Performers Joey AyalaDenise BarbacenaGloc-9

Papel song lyrics by Joey Ayala official

Papel is a song in Tagalog

Ikaw ba'y may papel
Na'san ang iyong papel
Ano ang iyong papel
Papel
Papel
Papel
Papel

Magmula pagsilang tayo ay pumapapel
Ang timbang at alay ini-record sa papel
Birthday at magulang sa papel masusulyap
Ito ang katibayan na tayo nga ay taong may papel

Pagpasok sa eskwela ang bitbit nati'y papel
Natutong magbasa at sumulat sa papel
Ilang taong tinahak ang papel na daanan
Patungong graduation na diplomang nakalukot na papel
Papel

Paghanap ng trabaho ang hanap ay papel (papel)
At ng matanggap abay kay bosing pumapel (papel)
Nang magtagumpay ay lumapad ang papel (papel)
Papel

Tuwing kinsena't trenta may pasweldo na papel
Nagkaroon ng credit card pautang na papel
At nang 'di nakabayad ang papel ay nabasa
Kumayod nagsumikap nang maayos at dumami ang papel

Nang may mapusuan nag-I love you sa papel
Nang magkatuluyan nagpirmahan sa papel
At nang magkapamilya ang papel nadagdagan
May lupa bahay tubig at kuryeteng babayaran ng papel

'Pag wala kang papel wala kang papel (papel)
Hindi ka makaporma di ka makapapel (papel)
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell (papel)
Papel
Pag wala kang papel wala kang papel
Hindi ka makaporma di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell papel

Kapag nagkasakit ang reseta ni dok ay sa (papel)
Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang (papel)
Kung masasawi pangalan ng patay ay nasa (papel)
Sige basahin mo kung sino ako sa libro na gawa sa (papel)
Tsike pasaporte lisensya (papel)
Rehistro titulo sedula (papel)
Resibo selyo balota (papel)
Pati tissue pamahid sa lungkot man o ligaya (papel)

Hindi maiwasang maalipin sa papel
Diwa mo't damdamin ay linawin sa papel
Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapat
Ito ang susundin ng kaganapang umiikot sa papel papel papel papel

Ang nais makamtan ay i-drawing sa papel (papel)
Ang nais marating ay i-mapa sa papel (papel)
Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang (papel)
Papel
Papel mo sa sarili papel mo sa agham (papel)
Papel mo sa bayan at sa sanlibutan (papel)
Kung ikaw ay maligaw papel ay balikan (papel)
Papel

'Pag wala kang papel wala kang papel
Hindi ka makaporma di ka makapapel
Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell papel
Papel papel hey

Kontrata sa gobyerno negosyo (papel)
Pasado o bagsak man na grado (papel)
Lahat ng balita sa dyaryo (papel)
Lalo na ang mga pera mo sa bangko (papel)
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Papel lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the trash
2| symbol to the right of the suitcase
3| symbol to the left of the clock
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid