Kahapon (feat. Tanya Markova) is a song in English
Nakatingin
Laging nagmamasid ng palihim
Mga ngiti mong walang kapalit
Pag-ibig ko na di kayang sabihin
Ang pag-tingin ay tama bang aminin?
Natatakot ako baka lalong
Mapalayo ka sa mga mata
Saan ba aabot?
Kung sana kahapon
Nasabi ko bawat nadarama
Natatakot akong mawala
Mga ngiti mo sa aking tabi
Na dati'y nandiyan
Kaya kahit kailan
Ay 'di ko naamin
(Wooooooohhhhh)
Ay 'di ko naamin
(Wooooooohhhhh)
Ay 'di ko naamin
(Wooooooohhhhh)
Gusto kitang makita palagi araw-araw
Kahit alam kong napakarami kong kaagaw
Magkalayo man ang mga pintuan
Matanaw ka lamang ay ganun ako kababaw
Pinagpapawisan sa tuwing parating
Ganun kalakas ang iyong dating
Kahit na kaibigan ako para sa'yo
Palihim naman kitang mamahalin
Pero dahil alam ko
Ang pag-asa sa'yo ay tila kalawakan na parang pagitan natin
Dahil may kapangyarihan ako sa'king panaginip
'Dun ko lamang masasabi na ikaw ay naging akin
Natatakot ako baka lalong
Mapalayo ka sa mga mata
Saan ba aabot?
Kung sana kahapon
Nasabi ko bawat nadarama
Natatakot akong mawala
Mga ngiti mo sa aking tabi
Na dati'y nandiyan
Kaya kahit kailan
Ay 'di ko naamin
(Wooooooohhhhh)
Ay 'di ko naamin
(Wooooooohhhhh)
Ay 'di ko naamin
(Wooooooohhhhh)
Wala nang dahilan para ipagtapat sa'yo
Pagka't maling sabihin ang nararamdaman ko
Talagang hindi 'to tama
Nababaliw na ata
Kapag sinabi ko ba 'to ika'y maniniwala?
Na sa tuwing magsasalubong ang ating dalawang mundo
Sinasabi nitong aking puso na ikaw lang ang gustong
Makasama sa tuwing may bukas na dumarating
Ganda mo na para sakin ay wala nang kahambing
Ngunit mas makakabuti atang may ibang nauna
Dahil kung pinagpilitan ko ay baka lumayo ka
Papunta ka man sa puso ng iba asahan mo
Na kailanma'y di ka iiwan nandito para sa'yo
(Parang kahapon)
Pero dahil alam ko
Ang pag-asa sa'yo ay tila kalawakan na parang pagitan natin
Dahil may kapangyarihan ako sa'king panaginip
'Dun ko lamang masasabi na ikaw ay naging akin
Natatakot ako baka lalong
Mapalayo ka sa mga mata
Saan ba aabot?
Kung sana kahapon
Nasabi ko bawat nadarama
Natatakot akong mawala
Mga ngiti mo sa aking tabi
Na dati'y nandiyan
Kaya kahit kailan
Ay 'di ko naamin
Natatakot ako baka lalong
Mapalayo ka sa mga mata
Saan ba aabot?
Kung sana kahapon
Nasabi ko bawat nadarama
Natatakot akong mawala
Mga ngiti mo sa aking tabi
Na dati'y nandiyan
Kaya kahit kailan
Ay 'di ko naamin
Ang nararamdaman ko para sa'yo
Na matagal tinago sa mahabang panahon
(Ay di ko naamin)
Ang nararamdaman ko para sa'yo
Na matagal tinago sa mahabang panahon
(Ay di ko naamin)