song lyrics / Choir Ng Bayan / Kapag Sinabi Ko Sa Iyo lyrics  | FRen Français

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo lyrics

Performers Gary GranadaChoir Ng Bayan

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo song lyrics by Choir Ng Bayan official

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo is a song in Tagalog

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan karaniwang karanasan
Dala-dala kahit saan pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y ibigin mo ako mulat ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin yakapin mo ako kasama ang aking mundo
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Kapag Sinabi Ko Sa Iyo lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the padlock
2| symbol to the left of the cross
3| symbol to the right of the envelope
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid