song lyrics / Choir Ng Bayan / Tatsulok lyrics  | FRen Français

Tatsulok lyrics

Performers Choir Ng BayanGary Granada

Tatsulok song lyrics by Choir Ng Bayan official

Tatsulok is a song in Tagalog

Totoy bilisan mo bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka dumapa kung kailangan
At baka tamaan ka ng mga balang ligaw (at baka tamaan ka)

Totoy makinig ka wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka't humandusay diyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito (ng di matapos-tapos)

Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka baliktarin ang tatsulok
Katulad mong mga dukha ilagay mo sa tuktok

Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Hindi matatapos itong gulo
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Tatsulok lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the house
2| symbol at the bottom of the camera
3| symbol to the left of the suitcase
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid