paroles de chanson / Choir Ng Bayan parole / Kapag Sinabi Ko Sa Iyo lyrics  | ENin English

Paroles de Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Interprètes Gary GranadaChoir Ng Bayan

Paroles de la chanson Kapag Sinabi Ko Sa Iyo par Choir Ng Bayan lyrics officiel

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo est une chanson en Tagalog

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan karaniwang karanasan
Dala-dala kahit saan pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y ibigin mo ako mulat ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin yakapin mo ako kasama ang aking mundo
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Kapag Sinabi Ko Sa Iyo

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à droite du cadenas
2| symbole à gauche de l'étoile
3| symbole à droite de la loupe
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid