song lyrics / Choir Ng Bayan / Ibig Sabihin lyrics  | FRen Français

Ibig Sabihin lyrics

Performers Choir Ng BayanGary Granada

Ibig Sabihin song lyrics by Choir Ng Bayan official

Ibig Sabihin is a song in Tagalog

'Di ba't kung minsa'y 'di mo masabi-sabi ang ibig sabihin
'Di naman kaya'y 'di mabigkas-bigkas ang ibig bigkasin
Sa dinami-dami ng mga nilalaman ng pagkayaman-yaman nating talatinigan
Himalang 'di maintindihan 'di mo masabi ang ibig

Kahit ang dakila ay tila ay dila ay namimilipit
At ang salita'y 'di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik
Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng ika nga'y nakatatanda kung matatandaan
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig

At ang ibig lang sabihin
Ang marapat marapatin
Ang 'di mo pansin dapat pansinin
Ang 'di mo rinig dapat ay dinggin

Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro
Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo
'Di nga ba't ang sabi ng lumang kasabihan 'di yata't tulak ng bibig ay kabig ng dibdib
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig

'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Ibig Sabihin lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the eye
2| symbol to the left of the trash
3| symbol at the top of the thumbs up
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid