song lyrics / Apekz / Goodvibes lyrics  | FRen Français

Goodvibes lyrics

Performer Apekz

Goodvibes song lyrics by Apekz official

Goodvibes is a song in Tagalog

Oo magaling ka kaming lahat ay aminado
Pero 'di ba talo ng masipag ang talentado
Iba't ibang klase ang taong nakasalamuha
Ang magkulong sa kwarto 'yan ang aking gawain ko noong una at noong ako ay lumabas
Sa kalye namulat do'n na'ko naghasa lumakas at maraming nasulat
Aking natutunan tumatak sa aking bunbunan
'Pag nangarap nang mataas mas malaki ang puhunan
Ako'y isang makatang nanggaling pa sa Norte

Nangarap magkabahay magkalupa magkakotse
Matulungan ang pamilya mapaaral ang kapatid
Maglalakbay nang ilang milya para lang makatawid sa kahirapan
At sa byahe ko nalaman ko marami palang hindi nanghihinayang
Sinasayang ang pinaghihirapan madali ba ang buhay alamin mo ang tunay
Ang tanging masasabi ko na lang

'Yan na naman kamot na naman ano ba 'yan andami na'ng papel do'n sa basurahan
Ang sabi ng konsensya mo naku itulog mo na 'yan
Sabi mo naman sige sige mga sampu na lang na linya at maaayos ko na 'to
Kulang sa oras sana bukas ay matapos ko na 'to medyo malabo pero eto dapat lang na magawa ko
Ang dati kong libangan ginawa ko nang trabaho

Kapag pinasok mo tapusin mo tapusin natural 'pag nag-ipon
Syempre mayro'n kang sasalukin walang palugit sarili mo'y hamunin palagi
Dahil 'yan din ang kailangan mong talunin matulin ang takbo kaya madadapa ka rin
Habang bumibigat ang pangalan mas mahirap dalhin
Ondoy Pedring Milenyo man ang humarang sa daan
Tandaan walang unos na hindi kayang lampasan

Kaya kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Takpan mo lang ang tainga at ang isipin mo (la-la-la-la-la la-la la-la-la-la-la-la-la-la-la-la oh)

Hi miss kumusta alam kung may nagawang kasalanan 'yon ay tapos na
Matagal ko nang pinagsisihan pero ayos ba na maaya kita sa labas kahit sa'n magpunta
Gusto ko lang na bumawi pagpasensyahan mo na ko sa pinakita kong ugali
Ang sa isip ko tuloy parang mayro'ng sumagi sana maging tayo ulit kahit kunware
Liligawan ka ulit pupunan ng parte ako'ng taya kaya tara maghabulan sa parke
Alam ko na marami ka nang manliligaw dyan sino ba 'ko para mag-demand ay kaibigan lang
Kaya ako nandito gusto ko mag-umpisa sa bahay ng isa't isa 'di ba palagi kumbida
Gan'yan dati ngayon tapos na 'kong magsalita sa tapat ng salamin kasi mayro'n ka nang iba

Kaya kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Takpan mo lang ang tainga at ang isipin mo (la-la-la-la-la la-la la-la-la-la-la-la-la-la-la-la oh)

Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
Lumabas ka ng bahay nang sa gano'n may magawa
Bulag ka lang sa una matuto kang mangapa
Kung mapahiya ka man hindi na 'yon mahalaga
Tatlong beses kang kumain sa loob ng isang araw
Yung iba tipid-tipid lang sa sabaw at kaning bahaw
Tatlong beses kang kumain sa loob ng isang araw
Yung iba galing sa basura inaamag linalangaw

Wala ka na ngang ginagawa puro ka pa reklamo
Hindi mo pa nga nararanasan na maging dehado
Lahat na kaarawan mo palaging may regalo
Kailanman ay 'di ka pa nakakahawag ng centavo
'Pag nagpalit tayo maaga kang mamamatay
Kalokohan ang lahat ng tao ay pantay-pantay
Isang kahig isang tuka kumakayod hanggang gabi
Dukha man kung tawagin may pangarap din kami

Kaya kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Takpan mo lang ang tainga at ang isipin mo (la-la-la-la-la la-la la-la-la-la-la-la-la-la-la-la oh)

Kaya kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Kung mayro'n kang problema takpan mo lang ang tainga
Takpan mo lang ang tainga at ang isipin mo (la-la-la-la-la la-la ha-la-la-la-la-la-la-la-la-la oh)
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Goodvibes lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the cross
2| symbol to the left of the eye
3| symbol at the bottom of the envelope
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid