song lyrics / APO Hiking Society / Alipin Ng Mundo lyrics  | FRen Français

Alipin Ng Mundo lyrics

Performer APO Hiking Society

Alipin Ng Mundo song lyrics by APO Hiking Society official

Alipin Ng Mundo is a song in Tagalog

Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo
Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo
Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak
At kung minsan naman ika'y pulutan sa alak
Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha
Upang pamilya ay makaraos at guminhawa
Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan
Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa
At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa
Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin
At 'pag natapos na'ng kontrata ika'y pauuwiin

Mahirap palang mabuhay na walang karapatan
Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan
Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa
Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Alipin Ng Mundo lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the clock
2| symbol to the left of the house
3| symbol to the left of the heart
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid