paroles de chanson / APO Hiking Society parole / Alipin Ng Mundo lyrics  | ENin English

Paroles de Alipin Ng Mundo

Interprète APO Hiking Society

Paroles de la chanson Alipin Ng Mundo par APO Hiking Society lyrics officiel

Alipin Ng Mundo est une chanson en Tagalog

Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo
Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo
Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak
At kung minsan naman ika'y pulutan sa alak
Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha
Upang pamilya ay makaraos at guminhawa
Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan
Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa
At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa
Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin
At 'pag natapos na'ng kontrata ika'y pauuwiin

Mahirap palang mabuhay na walang karapatan
Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan
Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa
Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Alipin Ng Mundo

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en bas de l'appareil photo
2| symbole en haut du téléviseur
3| symbole à gauche du casque
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid