song lyrics / APO Hiking Society / Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan lyrics  | FRen Français

Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan lyrics

Performer APO Hiking Society

Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan song lyrics by APO Hiking Society official

Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan is a song in Tagalog

Hawak kong peryodiko na kung saan bawat tao
Makinilya lang ang halaga
S'yang tula ang sandata kung silang may tapang kumanta
Ang dating sinusumpa'y ginawa nang bida

Iniwan ang kapilya n'ya sa bundok s'ya ay nagtago na
Walang altar kung saan siya nagmisa
Nagsilabasan ang hantik pati bundok mukha'y inukit
Nagsayawan kami hanggang umaga

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Pati dagat 'pinatuyo ngunit nang templo'y gumuho
Kami'y napipi sa madugong ganda
Ngunit langit ay nagdilim nang kalapati'y paslangin
At sakali ang luha ay bumaha

Mula sa pula n'yang libro natuliro na lang si Pedro
Iniwan ang bukid at s'ya'y sumama
Sumabog ang entablado sinabayan ng delubyo
Binihag ang mga matatanda

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Pati ilaw sa gintong telon hinugis ng munting alon
Ngunit sabi ‘di 'yan ang totoo
May babaeng napaiyak at luha nami'y pumatak
Tuyo na ang kamay ng babaeng pilato

Nagpainom si Pandora ngunit tumutol ang iba
Kaya naghikab na lamang ang demonyo
Sinimulan sa kandila liwanag n'ya'y nakagiba
Nag-alsabalutan ang tatlumpung balo

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Bumalik na si Gabriela hindi itak ang dala n'ya
Kundi ulan may sinag na dilaw
Nakita ko sa may pintuan at s'ya'y napangiti lamang
Habang namulaklak ang bagong araw

Lahat sila'y nakatingin bitbit ng ibon ang sakitin
Nilunod ng sigaw ang aking awit
Pati sila'y sumayaw na rin sa sari-saring tugtugin
Ang awit palang ito'y likha namin

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Kung sino-sino kung saan-saan
Kaaway kaibigan
Kilala ko sa pangalan lang silang alamat multo at anino
Bumubuo ng aking kasaysayan

Bumubuo ng aking kasaysayan
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the cloud
2| symbol to the right of the trash
3| symbol to the right of the envelope
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid