paroles de chanson / Philippine Madrigal Singers parole / Apat na Buwang Kapaskuhan lyrics  | ENin English

Paroles de Apat na Buwang Kapaskuhan

Interprètes Philippine Madrigal SingersMark Anthony CarpioRobert DelgadoHamili Campos-de Castro

Paroles de la chanson Apat na Buwang Kapaskuhan par Philippine Madrigal Singers lyrics officiel

Apat na Buwang Kapaskuhan est une chanson en Tagalog

Tuwing sasapit ang Setyembre, ating nababatid
ang buong pananabik sa Paskong papalapit
Lumang parol naglalabasan, gawa sa plastik at kawayan
Sa pagsabit ng palamuti, lahat ay nag-uunahan

Sa pagsapit ng Oktubre, ating naririnig
mga awiting pampasko sa radyo at telebisyon
Mapapasayaw, mapapaawit sa indayog at sa himig
Mga titik ng awitin ay kay sarap damhin

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Tuwing sasapit ang Nobyembre, lahat nag-aabang
Panregalong may diskwento, sa'n matatagpuan?
Sa napaagang Krismas bonus, isa ka ba sa mabibigyan
at ang iyong mga minamahal ay mabibilhan?

Sa pagsapit ng Disyembre, lahat ay abala
Nagtatago pa ang araw, handa nang magsimba
Kaliwa't kanang Krismas party, 'di na alam sa'n pupunta
Ang reunion ng pamilya, tila naging pista

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!


Sa mismong araw ng Pasko, pamilya'y sama-sama;
pagsaluhan na ang Noche Buena
Araw na pinaghandaan ay naging makabuluhan

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Apat na Buwang Kapaskuhan

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à droite de la croix
2| symbole à droite du nuage
3| symbole en haut du coeur
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid