song lyrics / Philippine Madrigal Singers / Apat na Buwang Kapaskuhan lyrics  | FRen Français

Apat na Buwang Kapaskuhan lyrics

Performers Philippine Madrigal SingersMark Anthony CarpioRobert DelgadoHamili Campos-de Castro

Apat na Buwang Kapaskuhan song lyrics by Philippine Madrigal Singers official

Apat na Buwang Kapaskuhan is a song in Tagalog

Tuwing sasapit ang Setyembre, ating nababatid
ang buong pananabik sa Paskong papalapit
Lumang parol naglalabasan, gawa sa plastik at kawayan
Sa pagsabit ng palamuti, lahat ay nag-uunahan

Sa pagsapit ng Oktubre, ating naririnig
mga awiting pampasko sa radyo at telebisyon
Mapapasayaw, mapapaawit sa indayog at sa himig
Mga titik ng awitin ay kay sarap damhin

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Tuwing sasapit ang Nobyembre, lahat nag-aabang
Panregalong may diskwento, sa'n matatagpuan?
Sa napaagang Krismas bonus, isa ka ba sa mabibigyan
at ang iyong mga minamahal ay mabibilhan?

Sa pagsapit ng Disyembre, lahat ay abala
Nagtatago pa ang araw, handa nang magsimba
Kaliwa't kanang Krismas party, 'di na alam sa'n pupunta
Ang reunion ng pamilya, tila naging pista

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!


Sa mismong araw ng Pasko, pamilya'y sama-sama;
pagsaluhan na ang Noche Buena
Araw na pinaghandaan ay naging makabuluhan

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Apat na Buwang Kapaskuhan lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the calculator
2| symbol to the left of the star
3| symbol at the top of the thumbs up
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid