Umaga est une chanson en Tagalog
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara't bumangon na sa iyong kama
Salubongin natin ang araw na payapa
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara't bumangon na sa iyong kama
Salubongin natin ang araw na payapa
Yo ang dami kong tama na inayawan alam ko kasi na mali sa isipan
Pinahalagahan ko aking katawan kaluluwa't isipan
Hindi ko hahayaan na ma-ulit pa ulit
Ang kamalian na nagdulot sa damdamin ng sakit
Minsan ay madaya ang realidad 'di pwedeng maulit na panaginipan
Mga pangyayari biglaan lumisan 'di ko nahawakan
Hindi mababalik kahit ako'y mangulit
Mas lalo lang masasaktan kapag ang kapit mahigpit
Tanggap ko naman na sa aking sarili lang din nagmula ang mga pagkalito
Kaya ngayon pilit ina-ayos daanang nakabaliko yeah
Kapag nasasabik ay mas lalo lang na-iinip
Kaya pinili ko na lang na manahimik sa tabi
Ang daming suliranin sa mundong mapaglaro
'Di ko akalain kakayanin ko ito oohhh
Pilit gagapangin kung hindi makatayo
'Di lang para sa'kin ito'y para rin sa'yo
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara't bumangon na sa iyong kama
Salubongin natin ang araw na payapa
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara't bumangon na sa iyong kama
Salubongin natin ang araw na payapa
Ang dami ring lumisan
'Di ko na mabilang
Ang sakit ang pait ng nakaraan
Salamat at nalagpasan ko ang mga pasan
Hindi ko na pinilit
Ang 'di man para sa'kin
Tinalikuran pinatawad ko na lang lahat
At nagpatuloy na lang ako sa paglalakbay
Pinalaya pinalaya
Sa mga tala sa mga tala
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara't bumangon na sa iyong kama
Salubongin natin ang araw na payapa
At sa paggising sa umaga
May panibago na pag-asa
Tara't bumangon na sa iyong kama
Salubongin natin ang araw na payapa