Papag est une chanson en Tagalog
Aking pamilya nagsisik-sikan
Sa parisukat na papag aming tahanan
Mga balat nagkiskisan makahabol manlang ng konting idlip
Para sa bukas na kami ay magsisikap
Kahit mahirap basta may sipag
Saktong pantawid hindi humilab mga tiyang kumakalam
Nakakawala ng diwa
Ang syudad na may kuko
Kumakaskas sa tulad naming lagi nang nakayuko
Pero kahit ganun paman ginagapang parin namin ito
Kahit na napapako kami sa krus ng mga pangako
Yung tatay kong nagkamali pilit na nag babago
Ang penitensya nagpapadyak kahit sunog na ang batok
Hindi magara ang suot hindi mabango
Pero lima kaming napapakin nya sa kakarampot
Mumunting kakanin di manlang namin matikman
Agad na sisingilin pagka't rekado nito ay utang
Si ate at si kuya ay tumigil mag laro
Kapalit ng barya ang katawan nilalaro
Sa umaga uuwi nakangiti ito may kita
Kala nila na hindi ko pansin mga luha at mga pasa
Si nanay problemado di madaan sa paglaba
Mas mahal pa ang sabon ng amo kesa sa kanya
Sugatan na mga palad namumula sa hapdi
Inang walang katulad pinalit lamang sa washing machine
Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito
Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito
Parisukat na papag oh aming tahanan
Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito
Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito
Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito
Parisukat na papag oh aming tahanan
Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito
Isang gabing tahimik tila ba himala
Lahat kami ay nasa bahay salo-salo sa hapunan
Minsan lang mangyari 'to mahimbang ba ang tulog ko
Mga ngiting hindi pag-papalit sa kahit na ano
Mga pulis na naka-maskara
Pumasok sa aming tahanan at kami ay tinutukan
Pinaluhod at binantaan na papatayin
Kapag kami ay nag ingay o pag kami'y hindi umamin
Pangalan ng tatay ko'y binanggit sabay tanong
Adik ka ba adik ka ba adik ka nga (hindi hindi wag po)
Pilit nilang paratang
Sa tatay kong pagod pumapadyak na lamang
Para kami ay itaguyod kahit na gumagapang
Sunog ang batok sa maghapon iyon ba'y kasalanan
Mali na ba na humiling ng aming kalayaan
Sa araw-araw na pagkakulong sa kahirapan
Tila ba bumagal ang lahat
Pinapanood ko si itay na dahan dahang bumagsak
At pag-lapag pula ang ala-alang pininta
Nang kanyang dugo sa parisukat na papag aming tahanan
Sabi ng pulis linis nyo yan
Agad siyang umalis
Mga matang nakatitig lang sa numero
Mga matang hindi kami tinuring bilang tao
Pula parin ang papag kung saan siya namatay
Pulang mantsa na alala ng aking itay