Distansya est une chanson en Tagalog
Hello
Anak naknakan ng pait
Magtiis sa amo kong na malupit
Mapanggiit na para sa lang sa ‘yo
Mabayaran para sa ating hiwalayan
Kalingain alagaan ang pamilyang 'di pamilya ko
Kahit maghalo p'ang balat sa tinalupan
Basta't may patutunguhan ang katas ng pawis at dugo
Sana ‘wag mo sinasayang sana'y wag mong hahayaang
Lumaking katulad ko ang 'sang katulad mo
‘Di malimot ang mga luha mo
Gapos ng iyong munting braso sa aking binti
Pinipigil ang hikbi hinihilang wag na lumayo
‘Di mabubura sa bangungot ko
Ang tanong sa'yong mata sino nang matitira
May nagawa bang masama ba't kailangan ma-abandona
Oo iniwan ka iyong ama
Pero kailanman hindi ng iyong ina
Pangako ito'y pansamantala uwi ako agad
Nanangis ka't nakiusap wag kang sumalangit
Dito ka lang sa lupa para 'to sayo kaya paalam na
Para sa pangarap na ginhawa
Tiniis ko itong distansya
Upang sa gabi makatulog kayo (mahimbing)
Mainit na pagkain sa lamesa
Sakripisiyong tiniis na hindi kayo kasama
Kumusta na kayo
Kumusta na kayo (para sa ginhawa)
Kumusta na kayo (anak anak kumusta na kayo)
Kumusta na kayo
Anong pinagkaiba ng mapagsamantalahan dito at diyan
Dito may sweldo
Gusto ko nang umuwi pero ‘di mabuti
Balita sa amin kelan darating pagbabago
Kamusta na anak kamusta pag-aaral
Kamusta si bunso bakit tila tumutumal
Tila tumatamlay tawagan nati't pag-uusap
'Wag magtampo please parang-awa pakiusap
Anong bago anak naku mag-ingat ka diyan
Balita ko sa atin may tinira na naman
Anak andiyan ka pa ba
Wag mo please sabihing nawala ka na
Humalik sa sahig para pakawalan
Ng amo lumipad libing mong dinatnan
'Di to pagbabago nais kong uwian
Pano naging tulak ang may kapansanan
Yayakapin kita kahit na duguan ka pa
Tulad nang ikay bagong silang ko pa lang
Hugas kamay silang nagsasabi
Na binoto ko to wala nang bawian
Para sa pangarap na ginhawa
Tiniis ko itong distansya
Upang sa gabi makatulog kayo (mahimbing)
Mainit na pagkain sa lamesa
Sakripisiyong tiniis na hindi kayo kasama
Kumusta na kayo
Kumusta na kayo (para sa ginhawa)
Kumusta na kayo
Kumusta na kayo
Kumusta na ayos pa ba (para sa ginhawa)
Ang buhay natin buhay pa ba
Buhay pa ba kumusta na (para sa ginhawa)
Para sa ginhawa
Para sa ginhawa