paroles de chanson / Abaddon parole / Matik Na Yan lyrics  | ENin English

Paroles de Matik Na Yan

Interprètes AbaddonS'paroCurse One

Paroles de la chanson Matik Na Yan par Abaddon lyrics officiel

Matik Na Yan est une chanson en Tagalog

Woo
Abaddon (ah yeah)
Sparro
Curse one (oh)
Matik na yan (ah)

Ang salitang mahal kita
Tandaan mong kahit 'di ko 'to masabi
Alam mo naman kahit na anong mangyari
Sa akin ay ikaw lamang ang nagmamay-ari

Napakarami namang ibang dahilan
Para ang ating relasyon ay tumamis
Kahit ako'y parang bato kapag ika'y nanlalambing
Hindi ito sapat na rason para ka mainis

Madalas ko man na maisantabi
Araw man o gabi na sa tuwing tayo'y magkatabi
Ang bigkasin na iniibig kita
'Di man lumabas sa aking labi pero aking pinagmamalaki

At kahit kanino man 'di ako mahihiya pagsigawan
Ikaw ang siyang aking naging katambal at kabiyak
Hinding-hindi ka iiyak at tanging luha lamang ng kaligayahan ang siyang papatak

Sa iyong mga mata sa isipan itatak
'Di ka dapat mangamba 'di ako maghahanap ng iba
Madami man akong nakikitang nakapalibot sa paligid
Mga babaeng tumutukso pero balewala lang maniwala ka

Pilit pinapadama minsan man ay para bang kinakapos sa mahika
Kahit 'di man mabanggit ng salitang inaantay mo
Alam mong ito ay matik na

Sa'kin ka lang at ako'y para sa'yo
Magtiwala ka sa 'kin ako'y iyong alipin
Pangit man isipin pero aaminin ko
Alam kong alam mo na ako'y palabiro
Pero hindi ako marunong makipaglaro
Ang makipagharutan sa ngalan ng pagmamahalan
Ay 'di gawain ng katulad ko na matino (ah-ha)

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nag-iisa

Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita

Mawala na ang lahat 'wag lang ikaw
Wala nang makaawat sa pagtanaw ng pag-ibig ko
Sa tulad mong diwatang nagpapainit sa tuwing ako ay giniginaw

Liwanag ka sa buhay ko ika'y pag-asa
At 'pag nasa tabi kita alam mo ba ako ang pinakamasaya
Kung saan hinihiling ko na huminto ang oras (oras oras oras)

Para mas makasama kita nang matagal
At sa sandaling ito ay hindi na lumipas
Habang tayo ay naglalakbay sa kalangitan
Na tila ba walang katapusan
Walang problema walang eksena
Kung saan kailangan pa nating dalawa na magtalo pa
Walang iba sa puso ni Sparo ikaw ang nanatili

Kahit na hindi ko sabihing mahal kita
Matik na yan ikaw lang ang namalagi
Ano ba ang meron ka bakit ba ako'y hulog na hulog
Puso ko'y bulong nang bulong
Ginigising niya ang pag-ibig kong tulog na tulog

Ikaw ang nagpakabog
Sa mga pagkakataong 'di ko masabi sa'yong mahal kita
Marahil kahit abala sa ibang mga gawain
Maniwala sa hindi nasa isipan ka

Wala nang iwanan 'wag ka na bibitaw wala nang aayaw
Akin ka lang at kung meron ka mang pangangailangan
'Wag kang mahiya sabihin mo lang matik na 'yan

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nag-iisa

Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita

Sa umaga sa paggising mo
Tanging maririnig mo lang ay aking tinig
At habang ako sa 'yo ay nakatitig
Andito ka sa 'king bisig at ikaw ay nakahilig

Halika sa hapag-kainan
Ating pagsaluhan ano man ang nakahain
Ano man ang akin ay sa iyo
Sana ano mang sa 'yo ay pwede rin na maging akin

Sa tuwing tayo'y magkalayo
'Wag kang maghinala ng masama
Kung 'di ako makapagparamdam
Sa piling mo ako nanggaling sa piling mo rin babalik
Kaya 'wag ka na sanang magdaramdam

Ano bang katibayan ang hanap mo
Para mapatunayang ikaw ay mahal ko
Kailangan ko pa bang pagsigawan sa lahat para malaman mo
Papa-tattoo ko pa sa 'king balat ang pangalan mo

Ito ang panghawakan mo kung merong suliranin
Utak mo ay lawakan sabay nating aayusin kamay ko ay hawakan mo
Kung merong haharang sa 'tin wag kang mag-alala ito ay tatapakan ko

'Di ko man masabi sa iyo ng harapan
Ang mahalaga lang naman kahit sa paanong paraan ay aking maipabatid
Maitawid sa tulay ang tunay na nadarama ko

Pagpasensiyahan mo na sana at iyong maunawaan
Na kung bakit sa awitin ko lamang nailarawan
Ang lahat ng katotohanan lahat ng magandang plano ko
Ikaw lamang ang aking pag-aalayan
Ang mahalin ka ay dahan dahan mahusay kong pag-aaralan

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nagiisa

Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita

'Di ko man masabi sa'yo
Alam mo naman ang totoo
'Di ko man laging naipapadama
Alam mong ikaw ay nag-iisa

Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Matik na 'yan mahal kita
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.
Auteur: VENZON MALUBAY
Copyright: Warner Chappell Music, Inc.

Commentaires sur les paroles de Matik Na Yan

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en haut de l'enveloppe
2| symbole à droite du coeur
3| symbole en bas de l'ampoule
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid