paroles de chanson / Abaddon parole / Ganyan Talaga lyrics  | ENin English

Paroles de Ganyan Talaga

Interprètes AbaddonVlyn

Paroles de la chanson Ganyan Talaga par Abaddon lyrics officiel

Ganyan Talaga est une chanson en Tagalog

Sawang-sawa ka na ba
Sa araw-araw na nangyayari
Bad trip palagi't walang chickas na madai
Mamanis-manis na sardinas sa kawali
Laging ulam sa tanghali madalas pang may kahati

Hay ang buhay nga naman
Hulog sa hukay pag 'la kang husay at sungay na halang
Ayos lang naman kung minsan susunod ka lang
Pero dapat mas madalas ikaw ay nakikialam

Kung gusto mong magka tropa 'wag kang masyadong mayabang
Magtiyaga ka lang kung 'di ka naging anak mayaman
Darating sa buhay mong maging tampulan ng tawanan
Dahil sa mga bagay na gusto mong mapatunayan

Magtanim ka na ngayon magtanim nang magtanim
Para balang araw mayro'ng aanihin
Kailangan mong kumilos upang bukas ay mayro'ng kang kakainin

Ganyan talaga ang buhay
Kailangan mong kumilos matuto kang masanay
Ganyan talaga (ganyan talaga)
Ganyan talaga
Ganyan talaga
Ganyan talaga ang buhay

Kung wala kang pampagulong magtiis sa usok
Matutong tumiklop 'pag maiksi ang kumot
Sa panahon ngayon basura na lang ang napupulot
Kaya't ipunin ang bawat barya na madudukot

'Wag kang magmalinis o mainis kung mabilis
Kumalat ang mga tsismis at maling istorya
Kung pitaka mo ay manipis magtiis 'wag ka muna sa Libis
Do'n ka muna sa Greenhills at Divisoria

Minsan balanse minsan ay alanganin
Minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim
Ganyan ang buhay dumarating talaga
Ang panahong nakakasawa na at nakakaumay

Maglaslas o 'di kaya'y magbigti
Magpakalasing at magpaka-solve sa sindi
Kapag nakakabaliw na at nakakarindi
'Yan nga ba ang solusyon sa problemang matindi

Ganyan talaga ang buhay
Kailangan mong kumilos matuto kang masanay
Ganyan talaga (ganyan talaga)
Ganyan talaga (ang buhay)
Ganyan talaga
Ganyan talaga ang buhay

Tanggapin mo na lang ang walang kwentang katotohanang
Kapag wala kang pera wala kang kaibigan
Mga tropang kasama mo lang sa kasiyahan
Pero 'di mo na maaasahan 'pag nagkagipitan

Palagi ka mang napapagalitan
Sa bahay lagi ka na lang napag-iinitan
Ikaw man o sila ang may kasalanan
Sa huli magulang mo pa rin ang 'yong lalapitan

Kahit ang mga taong may kabaitan
Hahanap ng patalim na pwedeng makapitan
Respeto at tiwala'y 'wag ibigay nang madalian
Dahil ang karamihan ay walang hiya sa malapitan

Ganyan na ang buhay ngayon kaibigan
Higupin mo na lang parang sabaw ng papaitan
Kung ayaw mong ikilos itulog mo na lang
Magandang bukas ay baka sakaling mapanaginipan

Tanggapin mo na ang katotohanan
Ganyan talaga ang buhay kaibigan
Kung ayaw mong magsikap ay matulog ka na lang
Matulog ka na lang matulog ka na lang
Matulog ka na lang

Ganyan talaga ang buhay
Kailangan mong kumilos matuto kang masanay
Ganyan talaga (ganyan talaga)
Ganyan talaga (ganyan talaga)
Ganyan talaga (ganyan talaga)
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.
Auteur: VENZON MALUBAY
Copyright: Warner Chappell Music, Inc.

Commentaires sur les paroles de Ganyan Talaga

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole en bas de la valise
2| symbole en bas de la calculatrice
3| symbole à droite de la poubelle
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid