USOK is a song in English
Hingang Malalim dahan dahan ang buga,
Pagmasdan and alapaap na galing sa ibaba,
Kung bukas maging maulap at di na umaraw pa,
Sindihan mo lang ulit sumandal at kumalma
Ano ba ang lunas pagka
may nagdurusa?
Mga pagkukulang,
kulang pa bang pambayad utang ang mga luha?
San ang pagkukunan pag dinadaga sa loob?
Mga pagkukusang anak ng putcha mas hinahatak ka palubog
Mga damdamin na di masukat ang lalim,
Ang takot, lungkot at galit mga nakatagong hangarin
Sana'y tangayin ng hangin
Kasabay ng paghinga,
Sisindihan lang sandali panandaliang pahinga
Magpabaga saka na lamang pagisipan,
Magpausok patungo sa kalangitan,
Magpabaga saka na lamang pagisipan,
Magpausok patungo sa
Hingang Malalim dahan dahan ang buga,
Pagmasdan and alapaan na galing sa ibaba,
Kung bukas maging maulap at di na umaraw pa,
Sindihan mo lang ulit sumandal at kumalma
Di mapakali, maaari ba na sandali lang,
Ang bigat ng dalahin, panalangin ang matakasan,
Kaya lang ang naging sandalan
Mananatiling upos,
Mga bakas ng kahapon pagkatapos ng tag-unos
Bumabagyo ngunit ayaw mo nang lumuha,
Tumatakbo papalayo sa pagdurusa
Sana'y tangayin ng hangin
Kasabay ng paghinga,
Sisindihan lang sandali panandaliang pahinga
Magpabaga saka na lamang pagisipan,
Magpausok patungo sa kalangitan,
Magpabaga saka na lamang pagisipan,
Magpausok patungo sa
Hingang Malalim dahan dahan ang buga,
Pagmasdan and alapaap na galing sa ibaba,
Kung bukas maging maulap at di na umaraw pa,
Sindihan mo lang ulit sumandal at kumalma
Madami satin di alam kung san patungo,
Kaya pag naliligaw bat di na lang magpakalunod,
Sa alak at sigarilyo,
Di na bale kung mapaso ang baga tutal ang puso'y matagal ng...
Madami satin di alam kung san patungo,
Kaya pag naliligaw bat di na lang magpakalunod,
Pagkat di rin sigarilyo palagi ang natutupok,
Minsan kaya umuusok,
Kalooban ay nasusunog