song lyrics / Smugglaz / NAIS KO lyrics  | FRen Français

NAIS KO lyrics

Performers SmugglazBassilyoYorme

NAIS KO song lyrics by Smugglaz official

NAIS KO is a song in Tagalog

Gan'to ang buhay sa pang-araw-araw dito sa amin (amin)
Ang suwerte mo na kung may kape't tinapay sa lamesa na nakahain (hain)
'Pag mamalasin mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing
Pasalamat ka pa rin kasi mayro'n ka pa rin
Samantalang 'yung iba walang makain (uh)

Lolo ko at si ama kaya lang ay magkarga
Lola ko at si ina kaya lang ay maglaba
Si Kuya at si ate si bunso nakanganga
Naghihintay kung sino mang mayro'ng biyaya na dala
Sa sobrang sipag man ay halos magpakamatay
Maliit na sahod ay dumudulas lang sa kamay
Umaasa pa ring makaraos sa paghihirap
Gamit ang pagsusumikap at kanyang gabay

Hirap maging tambay lagi lang sa kanto
Ano mang nasa plato 'di ka makakaangal
Pa'no magkakabahay kung walang trabaho
Hirap magtrabaho kapag 'di nakapag-aral
Daming nasusulat na talino at kaalaman
Sa mga aklat na napakahalaga
Pero kahit ga'no pa kalinaw ang mata
Mananatili kang bulag kung 'di marunong magbasa

Nais lang mabuhay na walang away walang kulay
Problema'y matatapos hanggang makaraos
Sama-sama tayong magtagumpay
Pantay-pantay na pagtingin sa lahat
Kayumanggi maputi o moreno ang balat
Kahit 'di na para sa 'tin kundi para na lang sa mga bata kaya't

Ikaw nais ko wala nang maraming dahilan (posible)
Ugaling makupad na 'di makausad dapat na nating palitan
Ikaw nais ko mangarap ka 'wag kang mag-alangan (pwede)
Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan

Ikaw nais ko wala nang maraming dahilan (kaya)
Ugaling makupad na 'di makausad dapat na nating palitan
Ikaw nais ko mangarap ka 'wag kang mag-alangan (naman)
Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan
Ikaw nais ko

Sana lahat may maayos na paaralan
Kung sa'n pupwede matuto't mag-aral
Lalo't ang lahat ay may karapatan makapagtapos
Magkaro'n ng disenteng trabahong kanilang masasandalan
Bukod sa karanasan para kahit na papa'no
Ang kumakalam nilang sikmura ay magkalaman

Dadapuan ng karamdaman
Kung ang tulugan mo'y bangketa o kalsada
'Pag naospital ka do'n mo pa lang mararanasang
May mahigaan na kama
Eh pa'no kung punuan pa
Wala na ring kuwenta pa ang pera
Kung kalaban mo na mismo ay oras
At naghahabol ka na ng hininga

Ngunit anomang dilim ng nilalakaran
Siguradong may liwanag din sa dulo
'Yung buhay mo na 'kala mo'y natuldukan
Nagkaro'n pa ng makahulugan na punto
Sa hirap man ng buhay na abuso
Lalo lang tumibay lumakas natuto
Batang kalye na nangarap landas n'ya ay mahanap
At maging isang alamat sa tondo

'Wag kang papai-stress sa mga Marites
Makakabagal 'yan sa nais puntahan
'Di na dapat mainis 'di ka dapat magtiis
Dahil mayro'n ng pag-asa at maraming paraan
Gawin mo na lang kung nais mong
Sa kahirapan ng buhay natin ay makaangat
'Pag biglang naganap magugulat ang lahat
Para bang nakakita sila ng kidlat

Galing sa baba galing sa wala
Kaya alam magpahalaga 'pag may napala
Sipag at t'yaga lang ang piniga
Salita'y binawasan dinamihan ang gawa
Mga kuwento ng inspirasyon sa bawat Pilipino
Na mayro'ng mangyayari basta todo mo sagad
Bi bilis kilos
Bi bilis angat

Ikaw nais ko wala nang maraming dahilan (posible)
Ugaling makupad na 'di makausad dapat na nating palitan
Ikaw nais ko mangarap ka 'wag kang mag-alangan (pwede)
Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan

Ikaw nais ko wala nang maraming dahilan (kaya)
Ugaling makupad na 'di makausad dapat na nating palitan
Ikaw nais ko mangarap ka 'wag kang mag-alangan (naman)
Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan
Ikaw nais ko
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for NAIS KO lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the suitcase
2| symbol to the left of the eye
3| symbol at the top of the bulb
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid