Walang Babala is a song in Tagalog
Yeah oh
Yeah Loonie yea
Itong kantang ito'y hindi 'yung typical single
'Di 'yung tipong pwede mong gawing political jingle
'Di 'yung klaseng awitin na umuuso sa 'Pinas
Pinag-isipan kong mabuti buong pusong binigkas
Kasi karamihan nakikinig lang sa Imeem
Wala raw pera pero meron pambiling ice cream
Okay lang salamat sa suporta
Salamat din nang sobra sa lahat ng mga kalaban na kumontra
Para balanse na parang valium sa kape
Kulang na lang sa aking album ay platinum na plake
Pero wala akong pake kung bumili ka o hindi
Gusto kong malaman eh kung bumilib ka ulit
Sa mga katagang talagang nakakamangha
Obra maestrang sobrang ayos nang pagkakagawa
Malakas mambara pero merong sabaw panulak
Ako ay bulalo puro buto pero may utak
Kaliwa't kanan balitaktakan matapang na nakipaglaban
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay nakipagtanan
Mahirap paliwanagan baka 'di pa paniwalaan
Kahit tapakan pare wala lang balewala 'yan
Kahit hinihila pababa ng mga pasimple kung bumanat
Sabi ko naman sa'yo libre ang mangarap
'Di mo 'ko kilala 'di mo alam ang kayang kong gawin
Kaya niyo ba 'to dukha pero ganado pa rin
Lahat ng banat malupit kahit hindi sinasaulo
Kalaban ay punit na parang liham sa pangulo
Mabagal mabilis kayang kaya wala 'tong daya
Tagalog o Ingles walang hiya kahit Bisaya
Paminawa ang sugilanon sa usa ka daot
Para to sa mga sibuwano na makasabot
Mura ra gud mga balak nga ginapulti ni Syke
Chorus na pud ta padung hala pakusgi ang mic (mic mic mic)
Umalis bigla parang bula na biglang nawala
Pero 'di mo namalayan na nand'yan na pala
Parang masamang karma pero mas malala
Nagbabalik nang walang babala
Umalis bigla parang bula na biglang nawala
Pero 'di mo namalayan na nand'yan na pala
Parang masamang karma pero mas malala
Nagbabalik nang walang babala
Bumalibag sa unang lipad sa murang edad
Putangina kamuntikan ko nang mamura si God
Sapagkat bumagsak desperadong umangat
Sumabay sa pinakabeterano sa lahat
At hindi man tumatak miski pa'no bumakat
Sa aklat ng mga respetadong alamat
Kung uunahin ang respeto sa pera
Kukulangin ang buhangin do'n sa Puerto Galеra
Kung susukatin sa metro ang letra
Na parang perpеktong kadena
Pakikisama ang sekreto ng eksperto sa gyera
Pero halatang palaban sa kritiko
Talagang malaman ang liriko
Para bang sinapian na naman ng masamang espirito
Ako si Jose Rizal na nagpas emikal
Pasado na sana kaso laging bagsak ang medikal
Makatang psychotic mayaman sa logic
Lisensyado ang dila ko salamat kay okik (okik okik okik)
Umalis bigla parang bula na biglang nawala
Pero 'di mo namalayan na nand'yan na pala
Parang masamang karma pero mas malala
Nagbabalik nang walang babala
Umalis bigla parang bula na biglang nawala
Pero 'di mo namalayan na nand'yan na pala
Parang masamang karma pero mas malala
Nagbabalik nang walang babala