song lyrics / LOONIE / Balewala lyrics  | FRen Français

Balewala lyrics

Performer LOONIE

Balewala song lyrics by LOONIE official

Balewala is a song in Tagalog

Sa mundong mapanghusga mapangmata at mapanuri
Dapat hindi ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri
Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri

Sabi sakin ni bathala matapang ka pala
Pusong leon kaya dibdib mo ay walang mga daga
Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang
Samantalang ang kapalaran ay sa mga tala nakatala
Kaya pala parang tamad na mag aaral walang kadala dala
Walang pang baon pero kahapon pa ako handa
Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka
Inakyat ang kabundukan at maghapong nag gala
Inabutan ng dilim muntikan nakong mawala
Sa sarili ko pag gapang ko wala kong makapa
Nasa dulo na pala ng bangin wala ng kawala
Tumalon na lang kaya ako kakayanin ko kaya
Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa
Bahala na si batman yan ang saktong kataga
Tsaka na ko gagawa ng mga pakpak ko pababa

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo lumaban
Nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan
Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko

Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit ang karamihan at takot tumira ng harapan
Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
Ngingitian ko na lamang at yayakapin ko
Kahit ga'no kapait ng naranasan
Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
Walang awang tadhana ay tatawanan
Kahit gano kasama ng kapalaran ay yayakapin ko

Sabi sakin ni Satanas mayabang ka pala
Tuturuan kita kung paano magpakumbaba
Di ka na maiisasalba ng mga kanta mong gawa
Pano mo to tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla
Binaba ang dangal nagpakahangal para lang ikaw ay mahalin ng madla
Biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa
Kaluluwa kapalit kasikatan yan ang usapang nakatakda
Sa kontratang to na may pangalan mo na nakalagda
Teka lang wag ka pakasigurado di mo pa ako pag aari
Dahil ang titulo ng kaluluwa koy nasa akin
At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin
Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata
At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik
Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik
Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit
Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo lumaban
Nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan
Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko
Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko
Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin ay tila balewala

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait tila balewala
Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano pa kasakit tila balewala
Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik tila balewala
Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pagbalik
Tinanggap ang walang kwentang mga hamon
Para bilhin si loonie binenta ko si marlon
Matalo man ngayon bukas ang pwersa koy babangon
Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon
At kung putapete ang kadebate pare di bale nalang
Walang pakielam miski hirangin pinakamayabang
At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala
Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo lumaban
Nakipaglaro ng apoy at patintero kay kamatayan
Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin ay yayakapin ko whooooaaaa
Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko whooooaaaa
Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin ay tila balewala

Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit karamihan ay takot tumira ng harapan
Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban
Ngingitian ko na lamang balewala
Kahit gaano kapait ng naranasan
Masakit na nakaraang hindi ko matakasan
Walang awang tadhana ay tatawanan
Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay
Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait balewala
Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit balewala
Aakyatin ko ang pinakaa tuktok kahit pa gaano katarik balewala
Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik (pabalik)
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Balewala lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the eye
2| symbol at the bottom of the house
3| symbol at the bottom of the thumbs up
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid