song lyrics / Lenin / ZERONINE lyrics  | FRen Français

ZERONINE lyrics

Performer Lenin

ZERONINE song lyrics by Lenin official

ZERONINE is a song in Tagalog

Dami nang nasulat na tula, yeah
Laging malinis at mabula, yeah
Di pangkaraniwan ang buga, yeah
'Pag sa akin mismo nagmula, yeah

Pinagkamalang kakaiba
Nagpabalik-balik sa pagkabisa hanggang maparalisa
Pinagapang ang mga tinta
Na puno ng galit 'pag naririnig mo habang kumakain ka

Lumilinaw ang sentido
Dating kalmado, di naglaon, lalong naging agresibo
Maikli lang ang resibo
Ngunit mabigat ang timbang ng mga barang kinilo

Mabagal lang 'to sa intro
Na parang nagtitipid sa paglabas ng info
Aprubado ng mga katulad ko na weirdo
Respetado rin ng mga kapwa nating indio

Zeronine, zero-zeronine
Zero-zero-zeronine, zeronine
Zeronine, zero-zeronine
Zero-zero-zeronine, zeronine

Sino nga ba'ng tunay na makata?
Sino-sino-sino'ng tunay na makata?
Sino nga ba'ng tunay na makata?
Sino-sino-sino'ng tunay na makata?

Limitado lang palagi 'pag mabagal ang daloy ng mga salitang inagos
Iniisip ko pa lang kung ano ang sunod na linya, alam ko na di ko rin 'to matatapos nang maayos
Bakit pa kailangang pagurin ang utak, pwede rin naman akong sumuko 'pag di na kayang sumulat
'Pag wala na talagang mabuhat, di na kayang abutin ang nakaabang na sukat

O baka naman wala lang talagang gana, parang nawalan ng pag-asa
'Pag tinatawag ang pangalan, "magaling!", ugh, tila ang hirap maniwala
Ngunit ang mahirap para sa akin ay mas mahirap pa para sa iba, kumbaga
Pinilit kong taasan ang sariling pamantayan upang di nila 'ko makumpara

Nagbibilang ng araw sa bawat pagsikat
Pa'no kung sa pagtulog ay di na muling dumilat
Kung pwede lang na sa ibang planeta magpalipat
Siksikan na tayo rito, ang hirap nang uminat

Kahit na papa'no, pinag-aaralan ko pa rin ang sariling kakayahan
Dahil di ko kayang mag-iwan ng pangit na legasiya, para 'to sa pangkalahatan
Pero di na bale, balang araw, kung hindi man nila 'to matandaan sa maraming paraan
Malawak ang karagatan, 'pag wala na 'ko sa mundong ito, wala na rin akong pakialam

Zeronine, zero-zeronine
Zero-zero-zeronine, zeronine
Zeronine, zero-zeronine
Zero-zero-zeronine, zeronine

Sino nga ba'ng tunay na makata?
Sino-sino-sino'ng tunay na makata?
Sino nga ba'ng tunay na makata?
Sino-sino-sino'ng tunay na makata?
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.
Writer: Lenin Zulueta
Copyright: O/B/O DistroKid

Comments for ZERONINE lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the star
2| symbol to the right of the eye
3| symbol to the left of the envelope
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid