S.O.S (Some Old Story) is a song in Tagalog
Hanggang ngayon sariwa parin sa memorya ko,
yung mga panahong sarili ko'y litong lito,
para mabuhay kinailangan ko na maglako,
ng bawal na damong minsang kinahiligan ko
nagulat kaba kasi di nako gaya noon?
na barumbado at alipin ng mga bulong
namulat na't paniniwala sa panginoon
ang nagsalba saking sarili na nakakulong
pero aminado na hindi ganon kadali ko
naitama yung mga pagkakamali ko
daming dinaanan ko na pasikot sikot
bago makabalik sa natural na ikot
lamo bang nakulong na rehab,
pag balik bumalik lang ulit sa pagiging sakit,
sa damdamin ng pamilya ay naging pasakit,
nasabihan na din ng mga masakit na salita
yoko na magunita panahong bulag
pako sa katotohanang kinakaharap
takas sa reyalidad takbo sa sarap
para lamang di makaramdam ng pag-alala
minsan pakiramdam ko anong halaga?
saking pagkabuhay ay may pagtataka
may nagbabantay nga ba sakin na ama?
na nakatanaw saking pagkilos at ginagawa?
tanging patalim lang ang alam kong kapitan
nung mga panahong kailangan kong malalapitan, oras ng kagipitan nakita ko sa pintuan
ay anino mo parin walang pamilya o kaibigan
at salamat kasi hindi mo pinagkait
ang liwanag sa mga nasisiraan ng bait
binigyan mo ng tyansa na muling makabalik
sa landas na kung saan sayong palasyo papanik
masakit ang nakaraan, ramdam mo bako kung hindi ayos lang naman, salamat parin sayong oras na inilaan, saking istorya at damdamin na inilahad
di na para bumalik sa nakaraan, mga lumipas na taon aral ang laman, masaya nako sa kung anong kinabasan, mabuhay sa kasalukuyan ginaganapan wala ng pag-alala
ooooh, ooooh
wala ng pag-alala
ooooh, ooooh
wala ng pag-alala
kung di ako natuto na sumulat gumawa ng musika
malamang ang buhay ko ngayon ay gaya parin ng iba
kung di ako namulat sa mga mali kona ginagawa
malamang ang buhay ko ngayon ay kwento nalang ng iba
kung di ako natuto na sumulat gumawa ng musika
malamang ang buhay ko ngayon ay gaya parin ng iba
kung di ako namulat sa mga mali kona ginagawa
malamang ang buhay ko ngayon ay kwento nalang ng iba