Pinapasan is a song in Tagalog
Kanya kanya tayong pinapasan, dinarasal
tadhanang mapait, andaming nilagpasan
pangarap makamit ang laging ina-asam
para makapanik andaming kinalasan
lalong nilakasan dahan dahan ginapang
sa mga panahon di nanghinayang
kala ko din noon di ko na kaya
buti nalang talaga ay nilaban ko
ngayon ko napagtanto, buti di ko hininto
mga hilig ko, buti napa-ibig mo, ngayon makinang ginto, turing sakin ng marami ay gabay na maaring kasabay sa tuwing nalulumbay sila't kailangan ng akbay
sa tuwing nasisilat sila at kailangan ng kamay, buong pusong niyayakap sila ng aking taglay na musika, di ko na kailangan pa ikumpara ang sarili ko sa kanila, sapagkat alam ko kung ano ang halaga
ng musika ko na dala, di ko na kailangan pa mag-alala, alam ko kung ano ang aking halaga, ganon pa man gusto ko lang sabihin
Kanya kanya tayong pinapasan, dinarasal
tadhanang mapait, andaming nilagpasan
pangarap makamit ang laging ina-asam
para makapanik andaming kinalasan
lalong nilakasan dahan dahan ginapang
sa mga panahon di nanghinayang
kala ko din noon di ko na kaya
buti nalang talaga ay nilaban ko
ay nilaban ko, at nalaman ko
na hindi ganon kadali ang buhay
mahihirapan humanap ng tunay
habang mata mapungay
sa paningin makulay
nadadala sa husay ng tulad ko
naninibago ako sa paligid
nawawala na ang inyong pag-ibig
kaya gusto ko nalang sa tahimik
ginalawan hindi to panaginip
at kung maiisip man
mo na sukuan alalahanin bakit mo sinimulan
diretso walang likuan, wag matakot simulan
ang pag babago
Kanya kanya tayong pinapasan, dinarasal
tadhanang mapait, andaming nilagpasan
pangarap makamit ang laging ina-asam
para makapanik andaming kinalasan
lalong nilakasan dahan dahan ginapang
sa mga panahon di nanghinayang
kala ko din noon di ko na kaya
buti nalang talaga ay nilaban ko