song lyrics / Guddhist Gunatita / KARANASAN lyrics  | FRen Français

KARANASAN lyrics

Performers Guddhist GunatitaFlow G

KARANASAN song lyrics by Guddhist Gunatita official

KARANASAN is a song in Tagalog

Marami pa'ng pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa

Mga bagay na gusto mo mahawakan
Tanggapin mo mayro'n kang kailangan na bitawan
Para sa ikabubuti ng iyong isipan
Lagi mong unahin ang sariling kaligtasan

Sandali 'kala mo madali lang
Masawi sa mundo at maiwang
Mag-isa luhaan walang bilang
Alam ko naman na gagaling mahapdi lang

Kailangan tiisin ang mga bagay
'Pagpaliban muna ang ubo at tagay
'Yoko na magaya do'n sa mga tatay
Na pulutan ay sakit at pagka-matagay
Alagaan ang sarili ang sarili ang tutulong sa sarili
'Pag lubos na nawiwili sa iba 'wag ka dumepende

Marami pa'ng pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa (sa'n pa nga ba)

Maayos na buhay siguradong kaligtasan
Sa lupa babalik natural na kalikasan
Ang isip lawakan kahapon 'wag mo takasan
Sarili mong kamalayan ang susi sa kalayaan

Kung minsan ay panay-panay walang humpay sabik sa pagtuklas
Minsan nama'y puro sablay parang gusto na lang na kumalas
Ta's nakakautas laging problemado hindi malutas
Mayro'n kaagad bago hindi pa tapos ang mga suliraning kinakaharap

Marami pa'ng puwedeng mangyari (napakarami napakarami oh napakarami)
Marami kang puwedeng aralin (napakarami napakarami oh napakarami)
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga (wag kang matakot)
Kailangan mo magsakripisyo para sa

Mga makakaisip na parang ang daya ng mundo
'Pag nasa kalagayang 'di mo gusto oh
'Wag ka mainis at magtampo oh
Kung kesyo ganyan kesyo gan'to (yeah)

Kung ulo mo marami ng laman dagdagan (pa)
'Wag matakot punuin 'yan ng kaalaman
Tandaan 'di palaging maro'ng masasandalan (ah)
Mas lamang ka kapag lamang ka sa karanasan

Kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamagaling (oy hindi)
Ang masasabi ko lang sarili mo hindi mo kaya mahalin (ba't hindi)
Araw-araw dapat natututo ka pa rin
Lalo 'pag marami ka pang gustong tuparin bawal tamarin bago marating

Marami pa'ng pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa

Marami pa'ng pwedeng mangyari
Marami kang pwedeng aralin
'Wag ka matakot tumuklas at mawala
'Wag ka matakot bumalik sa simula
Ang buhay ay walang hanggang pagtitiyaga
Kailangan mo magsakripisyo para sa ('yong kaligtasan)
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for KARANASAN lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the star
2| symbol to the left of the trash
3| symbol to the right of the cloud
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid