song lyrics / Garry Granada / Saranggola Sa Ulan lyrics  | FRen Français

Saranggola Sa Ulan lyrics

Performer Garry Granada

Saranggola Sa Ulan song lyrics by Garry Granada official

Saranggola Sa Ulan is a song in Tagalog

Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan ako'y dukha

Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam
Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan

Ang pag-asa'y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig na walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan

Kanina lang sa aking tabi'y may aleng lumiko
At sa pagmamadali nasagi ang aking puso
Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan

Gaya ng lagi't laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo

Eto na naman ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian
Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan

Heto ako tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Saranggola Sa Ulan lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the left of the clock
2| symbol to the left of the calculator
3| symbol to the right of the heart
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid