song lyrics / Felipe Padilla de Leon / Kay Selya lyrics  | FRen Français

Kay Selya lyrics

Performers Felipe Padilla de LeonRoger Penaverde Jr.Augusto Espino

Kay Selya song lyrics by Felipe Padilla de Leon official

Kay Selya is a song in Tagalog

Kung pagbalikan kong basahin sa isip
Ang nangakaraang araw ng pag-ibig,

May mahahagilap kayang nakatitik,
Liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Yaong Selyang laging pinaganganibang
Baka makalimot sa pag-iibigan
Ang ikinahulog niring kapalaran
Sa isang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang di basahin,
Nagdaang panahon ng suyuan namin.
Kanyang pagsintang ginugol sa akin
At pinuhunan kong pagod at hilahil.

Lumipas ang araw na lubhang matamis
At walang natira kundi ang pag-ibig,

Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
Hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
Ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
Nagdaang panaho’y inaalaala,
Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

Nagdaang panaho’y inaalaala,
Sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Kay Selya lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the bottom of the target
2| symbol to the right of the calculator
3| symbol to the left of the bulb
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid