Kahit Masakit is a song in Tagalog
Kahit na (kahit na)
Masakit sakin ang palayain ka (palayain ka)
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na
Masakit sakin ay bibitawan ka (bibitawan ka)
Kung liligaya ka sa piling niya
Alam ko na ang nadarama mo sakin ay tumatabang
Ibang iba ka na kumpara nung simula pa lang
Na tayo'y magkasama bawat araw na dumadaan
Hirap na huminga at para bang merong bumabarang
Kutob saking loob at dahan-dahan kong napapansin
Napupuna di ka na naglalambing
Nauuna ang galit at sampal kaya mukha ko ay namumula
Ang iyong pagmamahal napalitan na ng pagmumura
Nanlalamig ka na pero hirap ka pang umamin
Di ka dating ganyan kapag ika'y may tampo sakin
Mainit man ang ulo mo dali lang pahupain
Ngayon di na kita ma gets ang hirap mong basahin
Tungkol ba ito satin o tungkol to sa kanya
Baka pwede kong tulungan ang puso mo magpasya
Gawin mo gusto mo at kung saan ka masaya
Kalimutan mo na lang ang kwento nating dalawa
Kahit na (kahit na)
Masakit sakin ang palayain ka (palayain ka)
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na
Masakit sakin ay bibitawan ka (bibitawan ka)
Kung liligaya ka sa piling niya
Sa pagsasama natin bigla kang nag iba
Yung dating masayahin tila ba naging parang
Laging problemado at lagi pang balisa
At pag nakikita mo ko eh lagi kang asiwa
Ayaw mo kong makasalo ang daming pagbabago
Sa konting nagawa ko palaging nagtatalo
Minsan ay tulala nakatanaw ka sa malayo
Lumilipad ang isip pag magkasama tayo
At laging iritable ayaw mong tabihan
Ayaw makipagkita laging may dahilan
Tayo'y naglabo-labo kaya nagkalabuan
Ubos na ang rason ko para wag kang layuan
Ako na ang magkukusa para di ka mahirapan
Magpapanggap na lamang na di ka kailangan
Kahit na masakit at hindi ko makayanan
Basta mabigay ko lang minimithi mong kalayaan
Kahit na (kahit na)
Masakit sakin ang palayain ka (palayain ka)
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na
Masakit sakin ay bibitawan ka (bibitawan ka)
Kung liligaya ka sa piling niya
Hindi mo na kailangan na ako'y paliwanagan
Kung hindi ko rin alam anong dapat paniwalaan
Yung pagsasabi mo na ikay 'wag paghinalaan
O mga kamay mo na umiiwas pag hinawakan
At kapag tinititigan sa mata pinipigilang madala
Ang damdamin bakit sakin ngayon bihirang madama
Mahal mo pa teka ayokong maibilang
Sa tanga'ng umaasang mahal pa rin kahit hindi na talaga
Kaya sige na tapusin na ang dapat na tapusin
Walang dapat na amuin walang dapat na ayusin
Di na mahalaga kung ako'y mahal pa ba
Walang saysay ang makasama ka kung di ka masaya
At sa sumpaan natin nakalimot ka at klaro
Hindi mo man sadya na magpaikot ka ng tao
Mag-focus ka na lamang dyan sa irog mo na bago
Magpapaalam na ko
Hanggang dito na lang tayo (hanggang dito na lang tayo)
Kahit na (kahit na)
Masakit sakin ang palayain ka (palayain ka)
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na
Masakit sakin ay bibitawan ka (bibitawan ka)
Kung liligaya ka sa piling niya
Kahit na
Masakit sakin ang palayain ka (palayain ka)
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na
Masakit sakin ay bibitawan ka (bibitawan ka)
Kung liligaya sa piling niya