song lyrics / Curse One / Aking Hiling lyrics  | FRen Français

Aking Hiling lyrics

Performers Curse OneFlict G

Aking Hiling song lyrics by Curse One official

Aking Hiling is a song in Tagalog

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling

'Di ko akalain na makikilala ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
At bigla na lang napalunok napatameme nabulaga para bang hinele natulala
Nang papalapit ka sa akin jusko para kang anghel na ibinaba
Ng langit para mahalin ng taga-lupang tulad ko na 'di mo ka-level
Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo pa sa magkabilang dulo ng Torre de Babel
'Pagkat ikaw ay isang diwatang mas makislap pa sa mga tala
Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita ito'y labis na paghanga

'Di ko maipaliwanag ang nadarama sa t'wing magkasama tayong dalawa
Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung ga'no ka ba kahalaga
'Pagkat buong araw ko ay kumpleto na sa ngiti mo pa lang kuntento na
Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon handang punitin ang sedula

Handang dumalaw sa bawat araw ikaw na nga raw hanggang pumanaw
Walang kaagaw sa puso ko daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
Akalain mo 'kala 'ko ay panaginip lang ang mga 'to
Kung sino pa talaga 'yung 'di mo inasahang makilala
'Yun pa 'yung babago ng buhay mo

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin Ikaw lang ang aking hiling

Sa milyong-milyong tala kahit hindi na mapansin ang hiling ko
Hinding-hindi ako magsasawa na abangan ang pagdating mo
Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang kung sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
Ang katulad mo lamang ang may kakayanang makapagtanggol sa'kin hangad kong makatuluyan

Nanatili na sa isip damdamin ko na 'di matahimik
Nakatingala sa mga bituin sana'y magising ako sa magandang panaginip
Magkatotoo na mabago ang mundo dahil 'di ko na alam kung sa papa'nong paraan pa
Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na makamtan ka

At sana sa'kin ikaw ay itadhana 'di sasayangin ang pagpapala
Hanggang sa pagtunog ng kampana makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar oh-oh
At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
Ikaw ang kalma sa bawat bagyo ako'y nahimlay sa mala-dyosa mong ganda

Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapagmasdan ko ang kinabukasan sa maamo mong mata
Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon
Para tuparin ang mga pangarap inspirasyon at destinasyon
Ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan
Mm-mm mm-mm woah ooh-woah (woah oh)
Mm-mm mm-mm woah ooh-woah (woah oh)

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin Ikaw lang ang aking hiling

Gusto ko lang malaman mo kahit mundo natin ay magkaiba
Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
Malayo ma'y malapit lang langit at lupa'y kayang tawirin sinta
Walang kahapon ang makapagdidikta
Sa magandang kinabukasan nating dalawa
Ikaw at ako wala nang iba iniibig kita
Sana palagi mong tatandaan
Ngayon bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin Ikaw lang ang aking hiling

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin Ikaw lang ang aking hiling
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Aking Hiling lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the camera
2| symbol at the bottom of the trash
3| symbol at the bottom of the smiley
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid