song lyrics / Coco Martin / Mas Liligaya Ang Pasko - From "Ang Panday" lyrics  | FRen Français

Mas Liligaya Ang Pasko - From "Ang Panday" lyrics

Performers Coco MartinZaitoBassilyoShernanSmugglaz

Mas Liligaya Ang Pasko - From "Ang Panday" song lyrics by Coco Martin official

Mas Liligaya Ang Pasko - From "Ang Panday" is a song in Tagalog

Kay lamig ng simoy ng hangin sana ay iyong yakapin
Ilang taon na nagnanabik sabik sa'yong pagbabalik
Mga regalo'y naipon na sana na ay mabuksan mo na
At sana'y wag nang magtampo ng lumigaya ang aking pasko

Mas liligaya ang pasko
Pag natupad ang mga wish ko
Magbigayan magmahalan araw-araw ipagdiwang
Mas liligaya ang pasko
Pagnatupad ang mga wish ko
Parang wala ng mahihiling kung kayo ang aming kapiling

Makumpleto ko man ang buong simbang gabi
Parang kulang parin kung wala ka sa tabi
Kaya kung mangaroling at mangharana ng sabay
Sana ibigay mo na ang oo kong hinihintay

Pinasa-hiwaga mona ko sisikat
Trapik sa EDSA mundo at gitgitan
Pero kung walang kurap di tayo hirap sana na ma'y matigilan
Lalo na ngayon pasko ikaw ako o sila kaibigan
Ibigay ang tapat na sa akin lahat
Ang tanging dalangin ko ay kahilingan

Mas liligaya ang pasko
Pag natupad ang mga wish ko
Magbigayan magmahalan araw-araw ipagdiwang
Mas liligaya ang pasko
Pag natupad ang mga wish ko
Parang wala ng mahihiling kung kayo ang aming kapiling

Sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa
Araw gabi ay kumakayod magdamag walang palya
Nag-aalaga ng iba sana pagsapit ng pasko
Ay pamilya niyo naman ang mag-alaga sa inyo

Sa mga natokhang na ang sabi'y nanlaban
Na ang mga kapulisan daw ang may kagagawan
Sana'y bigyang halaga ang buhay ng mga tao
Lalo ngayon pasko yan ang tunay na pagbabago

Laman sa laman dugo sa dugo magkakapatid hindi magkasundo
Lago ng lago ang apoy sa dibdib sana'y lumabas na ang nasa dibdib
Nakakabilib 'di lagi nalan walang malambot lahat matigas
Magpapasko na magbati na kayo bangon marawi mabuhay kayo

Mas liligaya ang pasko
Pag natupad ang mga wish ko
Magbigayan magmahalan araw-araw ipagdiwang
Mas liligaya ang pasko
Pagnatupad ang mga wish ko
Parang wala ng mahihiling kung kayo ang aming kapiling

Ayos lang wala ang pera
Basta't wala na rin ang gera maingay man ang ating paligid
Basta't tawanan ang maririnig

Ang hatid ng pasko sana'y pagkakaisa
Sama-sama ang lahat sa noche buenang masaya
Pag kumpleto ang pamilya ang saya nitong pasko
Para sakin ay lahat kayo ang kapamilya ko

Mas liligaya ang pasko
Pag natupad ang mga wish ko
Magbigayan magmahalan araw-araw ipagdiwang
Mas liligaya ang pasko
Pagnatupad ang mga wish ko
Parang wala ng mahihiling kung kayo ang aming kapiling

Kung kayo ang aming kapiling
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Mas Liligaya Ang Pasko - From "Ang Panday" lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of the calculator
2| symbol to the left of the helmet
3| symbol at the top of the house
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid