song lyrics / Berto / Gasera lyrics  | FRen Français

Gasera lyrics

Performer Berto

Gasera song lyrics by Berto official

Gasera is a song in Tagalog

O sige ngayon pagbibigyan ko tong mga supot
na parang mga anay nagpumilitan sumuot
sa tahanang kinamulatan unipormeng sinuot
sa loob ng aming klase lalabas nang nakaluhod
ang mga tampalasan saming mga huwaran
pag dinikit makikita mo ang kaibahan
mga walang kakayanan puro lang kayabangan
nagtampisaw nagpakalunod sa kababawan
di mo makita ang tunay na halaga kaya para saking mata ikaw ang katawa tawa
wag kana magtaka kung bat marami ang nakanganga dahil sayong mga kathala na ang lakas makatanga
tagal ko din na nakatenga (ey) iniwasang humilera
nagpakasundalong nagsasawa na sa gera
ang aking pangalan kanilang inityapwera pero ang mahalaga bitbet ko ang aking gasera



2nd
balik sa dating gawe wag ka magmadale hirap nang magpigil di na mapakale
gusto nang isigaw mga bulong sa gabe mga ideya sa isipan na sinasantabe
sandale hinga ka nang malalim hindi pwedeng mapagod malayo pang tatahakin
at kung sakali na magkamale't ika'y hamakin wag matakot na sumubok at patuloy mong aralin
madaming malakas makabulag ng mata mabuting alamin kung anong mahalaga
kilalanin ang sarili kung sino ba talaga ang nakatagong pagkatao sa likod ng maskara
halata ang kaba kumakalabog sa dibdeb ako lang mag isa bumubulong sa libleb
madalim na paligid sa sulok sumiksek tangan panulat at papel at gasera kong bitbet

3rd
Nananatili ang apoy kahit paminsan minsan ay tinataboy
na ng mga pangangailangan ang aking kaligayahan sa pagsubok lumalaban at lumalangoy
at di nauubusan nang pag-asa sa sarili't sa taas naniniwala
mahirapan man ay laging kinakaya balang araw ang tagumpay ay matatamasa
hinahasa ang kakayahan na natagpuan ko sa kalakaran
pangarap na pinaglalaban na dinadaan sa paunti unting hakbang paakyat sa hagdan
may mangilan ngilan narin na may tiwala saking kaya kong gawin
kaya kahit mandilim ang paningin ako ang gasera sa gitna ng dilim
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for Gasera lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol at the top of the star
2| symbol at the bottom of the eye
3| symbol to the left of the envelope
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid