song lyrics / Alisson Shore / MANATILI lyrics  | FRen Français

MANATILI lyrics

Performer Alisson Shore

MANATILI song lyrics by Alisson Shore official

MANATILI is a song in Tagalog

Ikaw ang nagsilbi kong mapa
Hawak mo ang manibela
Kahit san ibaling ang mahalaga ika'y kasama

Di na mahintay, gusto ko na lumakbay
Para marating ka at tayong dalawa ay mag-ugnay

Takbo ng oras, di na mahabol-habol
Wag naman sana
(wag naman sana o wag naman sana o)
Binabalangkas bawat bahay
Pero tahanan sayo lang nakita (sayo nakita, sayo nakita)

Sa daan sinasadya ko lang na magbagal
Para lamang makasama ka ng matagal
Tiniis mula Lipa hanggang sa Bataan
Kahit pa malayo, gagawan ng paraan, diba?

Sana ganito tayo palagi
Kung pwede lang at maaari
Ako ay mananatili
Palagi (palagi)
(Mananatili sayo)

Mula sa kanan dadalhin kita
'gang sa taas ng kalangitan
Tiyak na tiyak kahit na trapik di ka susungitan
Kahit tayo'y maligaw hindi ka iiwanan
Promise, todo peksman

Sa daan sinasadya ko lang na magbagal
Para lamang makasama ka ng matagal
Tiniis ang presyo ng gas kahit na mahal
Dahil ganito naman kapag nagmamahal, diba?
O diba, diba?


(Ikaw pa rin, o ikaw pa rin)

Sa pangalawang buhay ikaw pa rin ang aking pipiliin
Kahit mag-iba ang iyong kasuotan di ko babaguhin
Mali man ang ruta natin ito'y aking susuungin
Kahit pa madilim

Kukutitap
ng makita ng lahat
Na ang tulad mo pag nagningas ay liliwanag

Biglang lumalawak
ating daraanan
Ikaw lang ang pupuntahan
ikaw aking walang hanggan
Lyrics copyright : legal lyrics licensed by Lyricfind.
No unauthorized reproduction of lyric.

Comments for MANATILI lyrics

Name/Nickname
Comment
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - All rights reserved. www.paroles-musique.com/eng/
Member login

Log in or create an account...

Forgot your password ?
OR
REGISTER
Select in the following order :
1| symbol to the right of magnifying glass
2| symbol at the bottom of the suitcase
3| symbol to the right of the padlock
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid