paroles de chanson / Zaito parole / Ganti Ng Patay lyrics  | ENin English

Paroles de Ganti Ng Patay

Interprète Zaito

Paroles de la chanson Ganti Ng Patay par Zaito lyrics officiel

Ganti Ng Patay est une chanson en Tagalog

Sa bawat paghakbang ko ng mga paa
Sa bawat ngiti at mga luha sa mata
Sa bawat tayo ng balahibo ko'y dama
Kung bakit madiin ang pagkasulat ng kanta
Binuo ang kanta kong hindi gano'n kadali
Pira-piraso ng piling salita ang tinahi
Na may pagmamahal kong iniwasan ang mali
Ng sa aking pagbalik ay malakas na muli
Naaalala mo ba noong bago magkahiwalay
Nakangiti pero banaag ang bigat ng lumbay
Ang kalooban ko'y para bang gusto ng bumigay
Pero tungkulin kong tapusin ang ganti ng patay
Halos magdilim sa pagod ang aking paningin
Kahit sabik sa yakap ng anak handang tiisin
Ako ay nagpatay malisya sa mali nilang sagot
Sumasaya ang buhay ko kapag malungkot

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Tagtag ang isipang inuukilkil ang sagot
Sasabay pa ang pagdapo ng minsanan kung bagot
Imahinasyong malikot baka kulang sa sundot
Badtrip umuulan na pero parang tagtuyot
Ako'y gagala-gala muna para di mainip
Maghahanap sa kasalubong kung pareho ng trip
Magkita-kita sa mata kahit sumabit sa jeep
'Di baleng sigawan ako wag lang tawagin na (plip)
Buong puso kong sinagupa ang taas ng mga alon
Sinalubong mag-isa kahit na mabigat ang hamon
'Di alintana ang dugo ang katawan ko na bumangon
Saksi sa harap mo'y mga bangkay na tumilapon
Tagaktak ang butil-butil na pawis ng bano
Ang yayabang umasta eh hindi naman 'kano
Inaaral ko 'yung laro patawa-tawa si Anygma
(Zait steady alam kong solid ang baraha)

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Istorya ng pag-aalsang nakatakdang isulong
At ni minsan sa hinirang 'di sumagi ang pag-urong
Mga bulong sa tenga kong nagpatayo ng balahibo
Pila-pila ang espiritung gagamit ng laman ko
Tinanggap ko sa loob ng magsarado ang talukap
Nakatitig habang panulat mariin kong hawak-hawak
Nag-iyakan ang anghel sa pagnanasa kong bumawi
Ganti ng patay utos ng espiritung naghari
Tinik ng rosas dugong hindi mapigil ng buhawi
Nais maisambitla ng kagat-kagat na labi
Nag-ungulan ang langitngit sa tagal ng pagkatali
Umalingawngaw ang sigaw ng tumayong muli ang hari
Ang espiritu'y hindi lang sa lakas ng pagkabawi
Mahigpit mang nakagapos ang kamay pero nahawi
Bawat bahagi ng salansan ang pagkakahati
Kung sino'ng tunay at hindi ikaw na ang pumili

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay
Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala
Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna
'Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay
Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay
Droits parole : paroles officielles sous licence Lyricfind respectant le droit d'auteur.
Reproduction des paroles interdite sans autorisation.

Commentaires sur les paroles de Ganti Ng Patay

Nom/Pseudo
Commentaire
Copyright © 2004-2024 NET VADOR - Tous droits réservés. www.paroles-musique.com
Connexion membre

Se connecter ou créer un compte...

Mot de passe oublié ?
OU
CREER COMPTE
Sélectionnez dans l'ordre suivant :
1| symbole à gauche de la loupe
2| symbole en haut du smiley
3| symbole en bas de la croix
grid grid grid
grid grid grid
grid grid grid